Joross Gamboa, ikakasal na non-showbiz gf

ADVERTISING

Joross Gamboa, ikakasal na non-showbiz gf

Joross-GamboaNAUUSO NA ngayon ang mga  kasalan kahit ang pinag-uusapan ang bongga at kontrobersyal na kasalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, at pati na rin ang kina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista.

ADVERTISING

Next week kasi ikakasal naman si Joross Gamboa sa non-showbiz girlfriend niya.

Matagal na silang magkasintahan at nag-aral muna si Joross bago nila napagpasiyahang ikasal.

Sa Huwebes next week ang kasal na gaganapin sa Fernbrook Gardens sa Parañaque.

ADVERTISING

Pagkatapos n’yan ang kina Bianca Gonzales sa basketbolistang boyfriend niyang si JC Intal.

Ang pagkaalala ko lang kay JC, siya ang dating boyfriend ni Carla Abellana.

Pagkatapos n’yan, ang kina Dingdong at Marian, at pati sa February next year naman ang kina Sen. Chiz at Heart na.

Meron pang ang kina John Prats at Isabel Oli, at ang susunod daw na ikakasal na excited ako ay si Zsa Zsa Padilla sa architect boyfriend niyang si Conrad Onglao.

Nu’ng ikinasal sina Amy Perez at Carlo Castillo nu’ng nakaraang linggo, pinag-uusapan nang si Zsa Zsa raw ang susunod na ikakasal sa pamilya.

Naayos na rin kasi finally ang annulment case ni Zsa Zsa at puwedeng-puwede na itong magpakasal. Eh, gustung-gusto na raw siyang pakasalan ni Conrad kaya abangan natin ang announcement kung kailan ang wedding date.

Mukhang mag-asawa na rin naman sila, eh. Nagsasama na yata sila, tapos nakita ko nga sa bulaklak na ipinadala nila sa burol ni Mommy Elaine Cuneta na galing sa kanilang dalawa. At least matutuloy na rin ang matagal na ring pangarap ni Zsa Zsa na makapagpakasal.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING