Joross Gamboa at Roxanne Guinoo magpapakilig bilang single parents sa ‘Hoy, Love You!’

MISS MO NA ba ang tambalan nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo? May good news kami sa inyo: nag-‘balikan’ ang dalawa bilang magka-loveteam sa newest digital series ng iWant TFC na ‘Hoy, Love You!‘.

Para sa mga avid Kapamilya viewers, espesyal para sa kanila ang tambalan nina Joross at Roxanne o JoRox dahil isa ang kanilang loveteam sa mga pambato noon ng Star Circle Quest o SCQ, ang reality-based talent search ng ABS-CBN na naging sagot ng network sa bumentang ‘Starstruck’ ng GMA-7.

Joross Gamboa at Roxanne Guinoo magpapakilig bilang single parents sa 'Hoy, Love You!'
Hoy, Love You!

Nasa Top 5 ng programa sina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo. Nanalo sa programa bilang Grand Questor si Hero Angeles habang first runner-up naman ang ngayo’y iconic K-pop superstar na si Sandara Park o DARA, na nakilala internationally bilang miyembro ng grupong 2NE1.

Ang ‘Hoy, Love You’ ang reunion project ng dalawa. Kung hindi kami nagkakamali, never nabigyan ng sariling pelikula ang loveteam nila noon (palaging support loveteam lang). Ang maganda ngayon ay sila talaga ang bida sa digital series na tungkol sa dalawang single parents na magkakainlaban sa isa’t isa. Gaganap naman na mga anak nila ay ang fast-rising PBB ex-teen housemates na sina Aljon Mendoza at Karina Bautista o KArJon. O ‘diba, sila na ngayon ang gumaganap na parents of new teen talents?

Kasama rin sa cast sina Dominic Ochoa, Pepe Herrera, Keanna Reeves at Ms. Carmi Martin.

 

Nag-umpisa na ang streaming ng ‘Hoy, Love You!’ sa IWantTFC noong January 18. Kung bet ninyo mag-reminisce sa kilig na dala ng JoRox o KarJon o ‘di kaya’y gusto niyo muna ng break sa mga KDrama at trip ang feel-good content for single parents, Hoy…. NOOD NA!