Joross engages in bar fight because of his new girl?

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

OLA CHIKA! ISANG taon na palang walang kontrata sa management ng ABS-CBN ang binatang aktor na si Joross Gamboa. Nagtapos ang kontrata ng guwapong aktor nu’ng January last year, at hindi na raw pala ito nga-renew ng kontrata sa nasabing network, at umaasa na lang sa manager niyang si Becky Aguila. Kaya pala kung saan-saang network natin nakikita ang guwapong aktor.

Habang ginagawa ko ang column kong ito, tinawagan ako ng aking parazzi girl, at nagulat na lang ako sa chika na nakipag-away diumano ang guwapong aktor sa isang bar sa The Fort, huh! At dahil sa isang babae!

Ang chikang nakarating sa akin, madaling-araw parati kung tumatawag itong si Joross sa isang producer ng pelikula ni Rosanna Roces na Pasang Krus. Nagyaya umano si Joross sa producer na si Maricar Santos na lumabas, huh! Marami umano ang nakakita sa dalawa.

Nagalit daw si Joross nang may lumapit na iba kay maricar, at doon daw nagsimula ang gulo diumano. Naloka lang ako, dahil over-protective daw si Joross kay Maricar, kaya nakipag-away ito sa hindi niya nagustuhang lumapit sa babae.

Marami ang lumalabas na bulung-bulungan na si Maricar nga ang babaeng palaging kasama ni Joross ‘pag lumalabas ito, at hindi lang sa nasabing lugar, kundi pati na rin sa Timog sa Quezon City, may nakakita sa dalawa, huh!

Siya na ba ang bagong dyowa mo, Joross, after ng hiwalayan n’yo ni Roxanne Guinoo? ‘Yun na!

SPEAKING OF PASANG Krus, takot na takot si Direk Neil Buboy Tan sa pagpapapako ni Rosanna Roces, lalo na nga’t nagpasiya ang dating sex goddess na nakahanda siyang magpapako sa krus, huh!

Kaya nang ipako na siya, pumulandit ang sangkaterbang dugo galing sa palad ni Osang, kaya agad naman itong isinugod sa ospital. Marami ang nag-alala kung ano ang mangyayari kay Osang, ngunit naagapan naman ito. Akala ng lahat, mate-tetano ang sexy actress, ngunit palaban ito, at tila tumatawa lang na parang walang nangyari. Kaya naman, kalmado na si Direk Neil.

Kaya pala nu’ng isang araw, nang makita ko si Osang, may takip o benda ang kamay nito, at ayaw ipaalam, para hindi na malagyan pa ng kung anong isyu, huh! Bilib ako sa ‘yo Osang, ang tapang mo!

Kaya ganu’n na lang kalaki ang sakripisyo ni Osang sa pelikulang ito, eh, dahil super relate siya. Kaya dapat na panoorin ito ng lahat. Hindi lang ito pambata, pang buong pamilya ito, at may aral pa. ‘Yun na!

E-mail: [email protected]

Previous articleEheads pay tribute to Francis Magalona
Next articleGORGY’S PARK: Lorna T. celebrates Daboy’s birthday

No posts to display