Jopay Paguia at Joshua Zamora, nagkakalabuan na?! – Joey Sarmiento

ADVERTISING

Jopay Paguia at Joshua Zamora, nagkakalabuan na?! - Joey Sarmiento

Jopay Paguia at Joshua Zamora, nagkakalabuan na?! - Joey SarmientoMASAMANG-MASAMA ANG LOOB ng isang Kapuso talent sa kanyang home grown network. Kapapanalo lang ng award ng naturang talent at may dahilan kung bakit ganu’n ang kanyang nararamdaman sa network na kanyang pinagtatrabahuhan.

ADVERTISING

Ang mga shows ng naturang talent ang isa sa mga nagpapasok ng pera sa kabang-yaman ng istasyon. Isa siya sa mga loyal stars ng GMA-7. Pero bakit hindi ‘yata binibigyan ng GMA-7 ng importansiya ang acting awards na kanyang napapanalunan?

Parang deadma lang ang Christian Network at mas busy pa sa star search na kanilang ipinapalabas ngayon. Dapat sana, e, bigyan din nila ng importansiya ang mga stars na loyal sa kanila.

Dahil du’n ay pinag-uusapan tuloy ang naturang network ng kanilang mga artista. Ganu’n daw ba talaga ang kumpanyang kanilang pinagtatrabahuhan? Wala raw ba talagang puso ang network na nagmamalaking may malaking puso?

ADVERTISING

Hindi na kami magtataka kung makakakita ng kasikatan ng araw ang artistang tinutukoy namin sa ibang network kapag nagtuluy-tuloy ang pande-deadma sa kanya ng mga executives ng Kapuso… getz?

TRUE BA ‘YUNG balitang tuluyan nang nagkahiwalay sina Jopay Paguia at Joshua Zamora? Na muntik na raw magkasagutan nang todo ang dalawa sa taping ng kanilang My Shuper Sweet Lover dahil sa pinagseselosan ng dating Maneuvers Dancer?

Naku, kung totoo man ito, e, naka-panghihinayang dahil taon na ang binilang ng kanilang relasyon. Hindi nga ba’t kasal na lang ang kulang sa dalawa?

Hay, sa showbiz talaga, mahirap magtagal ang isang relasyon lalo na’t puno ng intriga…. pwamis!

SI SUNSHINE DIZON ang pinakamagandang babae nang gabi ng parangal sa PMPC Star Awards for TV kaya deserving siyang magwagi bilang Face of the Night nu’ng gabing ‘yon. Unlike other stars, halatang pinaghandaan at ginastusan ni Sunshine ang gabi ng parangal para maging glamorosa kaya naman nakuha niya ang award para du’n.

Congrats din sa kanyang 4th acting award bilang Best Actress in a Single Performance para sa kanyang pagkakaganap na tomboy sa isang teleseryse sa GMA-7. Hands down ang karamihan sa industriya sa kanyang pagkakapanalo. Walang reklamo.

Magaling na aktres si Shine. Wala na siyang dapat pang patunayan pa at sana nga, makabalik ulit siya sa primetime TV dahil sayang naman kung buburuhin ang isang prized talent na tulad niya.

Pero teka. True kaya ang nabalitaan naming iba na ang manager ni Shine at hindi na ang GMA Artist Center? At true din ba na may pag-uusap na nagaganap between Mommy Dorothy Laforteza at Tita Cory Vidanes ng channel 2? Just asking lang naman pow!

ONCE AGAIN, IPINALIWANAG ni Katrina Halili na hindi siya nagsasayaw sa beerhouse. Ang kanyang pagpunta sa Frenzy Hot Models Resto Bar, West Avenue, sa gabi ng December 5 ay para makisaya sa kanilang grand opening. Appearance at picture taking with guests ang gagawin ni Kat sa naturang restobar.

Kasama rin ni Katrina si Bangs Garcia na magpapasaya sa mga guests. Si Bangs, may hinandang tatlong production numbers na siguradong magugustuhan ng mga bisita sa gabing ‘yon.

Si Gwen Garci dapat ang orig na kasama ni Katrina para makisaya sa event na ‘yon pero dahil merong malubhang karamdaman ang dating Viva Hot Babe, e ,hindi na siya tutuloy sa okasyon na ‘yon.

Kaya para sa mga fans nina Kat and Bangs, kitakits na lang po.

For reaction, please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

ADVERTISING