Jopay Paguia, 2 months buntis?! – Morly Alinio

ADVERTISING

Jopay Paguia, 2 months buntis?! - Morly Alinio

Jopay Paguia, 2 months buntis?! - Morly AlinioHINDI MAIWASAN NI Pokwang ang sumama ang loob kaya noong makausap namin siya kamakailan sa Power Plant ay nag-open-up ito sa tunay niyang nararamdaman kaugnay sa sinasabing nagsasalita siya ng pangit sa mga movie press na kanyang naabutan ng token.

ADVERTISING

“Siyempre tao lang ako at nasasaktan ako sa mga naririnig at nababasa ko lalo na kung hindi naman totoo dahil alam ko sa aking sarili na hindi ko iyon ginagawa sa mga kaibigan natin sa showbiz. Alam naman natin sa simula’t simula pa lang ay kung gaano na sila kalapit sa aking puso at never kong gagawin iyon lalo na sa mga taong alam kong nakatulong sa akin nang malaki. Kung hindi dahil sa kanila ay wala naman ako ngayon dito sa aking kinalalagyan.” Madamdaming pahayag ni Pokwang.

Samantala, kahit masama ang loob ni Pokwang sa ilang movie press na patuloy na naninira sa kanya, hindi pa rin daw titigil si Pokwang sa pagtulong sa mga taong alam naman daw niyang hindi galit sa kanya.

“Ang masasabi ko lang ay salamat, salamat sa mga ginagawa nila sa akin dahil kung hindi dahil sa kanila ay hindi rin ako magiging malakas ngayon sa mga ganitong intriga.”

ADVERTISING

Kilala raw ni Pokwang ang mga taong naninira sa kanya pero hindi raw siya magsasalita ng masakit laban sa mga ito. “Basta kung gusto nila akong lapitan, nandito lang ako,” pagtatapos pa ng aktres.

MARAMI ANG NAIIRITA kay Krista Ranillo sa ngayon dahil sobra siyang arte na akala mo ay walang katapusan na ang kanyang “kasikatan.” Kasikatan na natamo lang naman niya nang ma-link kay Manny Pacquiao. Kung anu-ano kasing drama ngayon ni Krista na kesyo hindi magsu-shoot kapag may reporter sa paligid na kesyo hindi pa niya kayang sagutin ang mga intriga sa kanya. Naku, tigilan nga niya ako dahil sa totoo lang, noong hindi pa siya natsi-tsimis kay Pacman ay nagkakandarapa siyang magpa-interbyu sa movie press. Tigilan nga kami ng babaeng ito na ang feeling ay mas sikat pa siya kina Sharon Cuneta at Vilma Santos. Dapat alalahanin ng babaeng ito na kung walang Manny Pacquiao na na-link sa kanya, nungkang tangkain siyang kausapin ng movie press nang walang kasamang sobre. Naku, magtigil siya.

Sa totoo lang naloloka kami sa drama ngayon ni Krista. Nababaliw kami dahil puwede naman siyang magsalita tungkol sa kanila ni Pacman pero parang aliw na aliw siya nagpapaka-misteryosa.

“Naku, kaya ganyan siya para lalo siyang pag-usapan. Kasi kung magsasalita nga naman siya, e, ‘di tapos na ang issue sa kanila ni Manny, e, ‘di tapos na rin ang libreng publisidad?”

Ay  oo nga naman, Kaya hindi nagbibigay komento ngayon si Kirsta ay dahil takot itong matapos agad ang libreng publisidad sa kanya. Hay… ang mga artista nga naman!

DALAWANG BUWANG BUNTIS si Jopay ng SexBomb. Ito ang usap-usapan ngayon kung kaya’t tinangka naming kausapin ang kanyang manager na si Joy Cancio pero napudpod na’t lahat ang daliri namin ay never na sumagot sa aming text at kol si Joy.

Kung paniniwalaan ang balita, kaya iwas nang magsalita ngayon si Joy sa kanyang alaga dahil may katotohanan ang balitang nagdadalang-tao ito at siyempre courtesy ng boyfriend nitong si Joshua.

Base sa nakalap naming balita, galit na galit daw si Joy kay Jopay dahil matapos pagkatiwalaan ito na magbida sa bagong season ng Daisy Siete, heto at bigla na lang nagpabuntis.

“Sayang ang batang iyan dahil sa totoo lang siya na sana ang next to Rochelle, kaya nga’t ngayon ay nagbibida na siya mga programa ng Siete.” Pahayag iyon ng isang taong malapit sa dalagang mananayaw na ngayon ay sinasabing dalawang buwang buntis.

Kumpirmado at solido ang paglalahad sa amin ng aming source na totoong buntis si Jopay na lalo pang nagpatindi sa aming isipan na siguro nga ay totoo dahil ang kanyang manager na si Joy Cancio ay nagsalita ng “Buntis si Jopay!” Pagdidiin ng aming kausap na may ngiting hindi namin maintindihan kung bakit.

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING