Jonalyn Viray, maluha-luhang tinanggap ang award sa Star Awards for Music

ADVERTISING

Jonalyn Viray, maluha-luhang tinanggap ang award sa Star Awards for Music

Jonalyn-VirayTEARY-EYED ANG GMA Diva na si Jonalyn Viray nang tanggapin nito ang kanyang award sa katatapos na 6th PMPC Star Awards for Music, kung saan nagwagi ito for Best Song of the Year para sa kanyang awiting “Help Me Get Over” na siyang theme song ng My Husband’s Lover.
Hindi raw kasi inakala ni Jonalyn na magwawagi ito dahil sa pare-parehong magaganda ang mga nominado para sa Song of the Year like Magda ni Gloc 9, Lord Patawad ni Basilyo, Gayuma ni Abra , Ikot-ikot ni Sarah Geronimo, Ikaw na ni Kris Lawrence at Nag-iisa ni Angeline Quinto.
Hindi nga raw sana makauuwi ng bansa si Jonalyn dahil may show siya sa Dubai, pero nakiusap na lang ito dahil kasama siya sa opening production number ng Star Awards at nakapangako sa pamunuan at miyembro na win or loose ay a-attend siya sa Gabi ng Parangal.

Inaalay raw ni Jonalyn ang kanyang pagwawagi sa kanyang co-nominees, sa kanyang mga tagahanga at sa kanyang masipag na manager na si Arlene.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING