Jonalyn Viray, kulang sa inspirasyon?

ADVERTISING

Jonalyn Viray, kulang sa inspirasyon?

Jonalyn-VirayBLOOMING SI Jonalyn Viray lately. Marami tuloy ang nag-iisip kung in love na naman daw ba siya.

“Siguro po, natututo lang talaga akong mag-ayos sa sarili. Like sa pagmi-make up, sa pananamit and everything,” aniya.

“Pagdating po sa lovelife, wala po ngayon, e. Five years na rin pong wala. “Sinasabi nga nila na ang isang artist kapag walang lovelife e, kulang sa inspirasyon. Tingin ko po… hindi rin. Kasi puwede rin naman pong humugot sa mga situation ng ibang tao. Like sa mga kaibigan mo, kung ano ‘yong napagdadaanan nila. Puwedeng iyon ang maalala mo once na nagpi-perform ka. Or isipin mo lang talaga kung ano ‘yong content ng kanta, puwede mong ilagay ang sarili mo roon at maidi-deliver mo na kung ano ‘yong message ng kanta.”

Last na naging boyfriend ni Jonalyn ay ‘yong naging endorser dati ng isang brand ng softdrinks. Pero ayaw na niyang tukuyin pa kung sino ito.

ADVERTISING

“No’ng pumasok po ako ng showbiz, isa lang po ang naging boyfriend ko. Siya nga po,”pagtukoy niya sa nakarelasyong commercial model. “Almost three years din po ang itinagal ng relationship namin. Na… on and off.

Sa nakalipas na limang taon, imposible naming wala siyang naging mga manliligaw?

“Uhm… meron din pong mga ibang nag-attempt. And sa una, parang medyo madadala ka. Pero kapag nakilala mo na ‘yong tao at kapag may napansin kang parang… hindi pa talaga ito. Iyon po.”

Sa November 14, magkakaroon ng repeat ang kanyang Fearless concert sa Music Museum. At pinaghahandaan daw niya ito nang husto.

“Ibang guests naman po this time. Sila Thor ng The Voice, Tom Rodriguez, and Ms. Jaya,” sabi pa ni Jonalyn.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING