Jonalyn Viray, itinangging may awayan sa La Diva

ADVERTISING

Jonalyn Viray, itinangging may awayan sa La Diva

1 Jonalyn-VirayITINATWA NI Jonalyn Viray na nagkaroon sila ng hindi unawaan ng mga kasama niya sa La Diva kaya sila nagkawatak-watak at nagsarili na lang.

“Two years ago nang magkanya-kanya na kami. That time kasi ay may offer kami na solo. Hanggang sa magkahiyaan na lang kami na muling magsama-sama,” say ni Jonalyn.

Hindi rin raw totoo na nagkaroon sila ng alitan kaya nagkanya-kanya. Kapag nagkikita naman daw sila ngayon ay nagbabatian pa rin daw sila taliwas sa balitang nagkaka-isnaban. Posible ba magkasama-sama sila uli bilang La Diva?

“Sa ngayon po, hindi ko masasagot. Kasi busy na rin po kami at may kanya-kanyang commitment. Pero, who knows, baka one of this day magkasama-sama kami para sa isang fundraising campaign,” say pa ni Jonalyn.

ADVERTISING

Sa ngayon ay loveless si Jonalyn at hindi na raw muna siya magmamahal para mabigyan ng full attention ang singing career. Kapag na-in love daw kasi siya ay napababayaan niya ang singing career.

Naging totoo lang si Jonalyn nang aminin niya sa amin na kung may offer sa kabilang network na magbibigay sa kanyang ng mas magandang oportuninidad ay tatanggapin niya. Magkakaroon ng repeat ang Fearless concert niya sa November at busy siya sa pagpo-promote ng kanyang self-titled album.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING