Jonalyn Viray, isa nang certified Kapamilya

ADVERTISING

Jonalyn Viray, isa nang certified Kapamilya

Jonalyn Viray, isa nang certified KapamilyaNagulat ang mga kapatid sa panulat nang bumuluga sa lahat at umawit ng theme song ng newest Kapamilya serye na “We Will Survive” si Jonalyn Viray, na ngayon ay ipinakikilala ng ABS-CBN bilang Jona.
From Jonalyn Viray ay Jona na nga raw ang gagamiting pangalan nito na desisyon ng ABS-CBN dahil bagong bahay, fresh start, at ibang Jona na ang mapanonood ng Kapamilya viewers.
Happy nga raw ito dahil may bago na siyang tahanan, ang ABS-CBN. Bukod nga raw sa pagkanta nito sa nasabing teleserye, maraming projects ang naka-line up para kay Jona.
Thankful nga raw ito sa ABS-CBN dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya at sa pagbibigay ng mga proyekto.

ADVERTISING

 

Mark-BaracaelMark Baracael ng Upgrade, bumida sa TV commercial kasama si James Reid

BUKOD SA pag-arte, pag-awit, at husay sa pagsayaw, umaariba rin sa TV commercial si Mark Baracael, isa sa mga member ng hottest boy group sa bansa na Upgrade.
Umeere na nga ang newest commercial nitong Master Facial Scrub, kung saan nakasama
nito si James Reid ang other half ng sikat na tambalang JaDine ng “On The Wings Of Love”.
Ayon nga kay Mark, masarap daw katrabaho si James dahil kahit sikat na sikat na ito ay palabati at kinakausap sila during break. Hindi raw ito ni minsan nagparamdam na superior siya sa lahat.
Kaya naman daw madali silang natapos at maganda ang naging resulta ng kanilang TV commercial.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING