Jon Lucas, gusto nang magkaroon ulit ng teleserye

ADVERTISING

Jon Lucas, gusto nang magkaroon ulit ng teleserye

Jon-LucasNALULUNGKOT ANG ABS-CBN teen actor na si Jon Lucas dahil halos mag-iisang taon na ay wala pa rin siyang bagong proyekto sa Kapamilya Network after ng Got to Believe na pinagbidahan noon nina Teen King Daniel Padilla at Teen Queen Kathryn Bernardo.
Tsika nga ni Jon nang makausap namin sa SMAC TV Earth Hour event kamakailan, “Nakalulungkot nga eh, kasi halos mag-iisang taon na nang matapos ang Got To Believe na kasama ako, pero until now wala pa rin akong bagong teleserye.
“Kaya nga napapaisip ako kung bakit hangang ngayon wala pa akong teleserye. Iniisip ko na lang na right timing lang, kasi hindi lang naman ako ‘yung walang trabaho, may nga artist din sa ABS-CBN ang katulad ko na walang teleserye at naghihintay lang. Iniisip ko na lang na isang araw paggising ko, makatatanggap ako ng text na may bago akong teleserye.
“Tsaka kung ‘yung iba nga na mas nauna sa akin, naghihintay hanggang ngayon, ako pa kaya? May kasabihan nga na kapag may tiyaga may nilaga. Hahaha! Kaya magtitiyaga na lang akong maghintay hanggang sa may dumating na project,” pagtatapos ni Jon.

ADVERTISING

NAGING MASAYA ang ilang araw naming pagbabakasyon sa Calaca Batangas kasama ang mga kaibigang sina Jay El Mission at Raymond Calaguan.
Muli naming naka-bonding ang aming nga kaibigan na sina Tuths Bautista, Bobby Mendoza, Lhean Desepeda, Raye Bathan, Ella and Gyvz Garcia, Nes and Brgy. Chairman Edrich Atienza, at Nanay Conching Bathan and family.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING