Jon Lucas, dalawang pelikula ang gagawin ngayong taon

Jon Lucas, dalawang pelikula ang gagawin ngayong taon

Jon Lucas
Jon Lucas

Inuulan ng suwerte ang teen actor ng ABS-CBN na si Jon Lucas, dahil bukod sa regular itong napanonood sa “It’s Showtime” kasama ang kanyang grupong Hashtag ay dalawang peliula ang gagawin nito ngayong taon.
Ang una ay ang “Mighty Yaya”, kung saan makasasama nito si Sofia Andres bilang boyfriend ng young actress. Ang ikalawa ay ang “I Love You To Death”, kung saan makasasama naman nito sina Kiray Celis at Enchong Dee. Gagampanan daw rito ni Jon ang role ni Zandro na isang hunk na riding-in-tandem na walang ka-tandem.
Ang dalawang nabanggit na pelikula ay parehong under Regal Films. Bukod pa sa nasabing mga pelikula nitong gagawin, mabenta rin si Jon Rucas sa mga mall shows.

John’s Point
by John Fontanilla