Jon Lucas, aagawin sina Janella Salvador at Liza Soberano sa kanilang ka-loveteam

ADVERTISING

Jon Lucas, aagawin sina Janella Salvador at Liza Soberano sa kanilang ka-loveteam

Jon-Lucas-Jaime-AcostaNAGDIWANG NG kanyang 19th birthday last Aug. 18 , 2014 ang Star Magic Talent at Crewworks Asia Talent na si Jon Lucas. Pero nitong Sunday Aug. 31, 2014 ay isinelebra niya ang kanyang kaarawan kasama ang mga batang may cancer sa Childhaus sa Mapang-akit St., Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Isa raw sa birthday wish ni Jon ang magkaroon ng ka-loveteam.

“Actually, dream ko rin na magkaroon ng ka-loveteam. Minsan nga, naiinggit ako kina Daniel (Padilla), kasi may Kathryn (Bernardo) siya, si Enrique (Gil), may Julia (Barretto), tapos ngayon may Liza (Soberano).

“So, ako gusto ko ring magkaroon ng ka-loveteam. Gusto ko nga si Liza o kaya si Janella (Salvador).

ADVERTISING

“Kaya lang, meron na silang mga ka-loveteam like katulad ng sabi ko, si Liza kay Enrique, tapos si Janella kay Marlo (Mortel).

“Siguro aagawin ko na lang sila. Hahaha! Hindi! Joke lang ‘yun, hahaha! Puwede siguro ‘yung mga walang ka-loveteam like si Miles Ocampo, kasi nagsama kami sa Once Upon a Time nang one month. Okey naman, baka siya puwede.

“Tsaka mabait si Miles at maganda rin. Pero kung sino ang ibigay nila sa akin okey lang naman, ayoko naman maging choosy baka sabihin nila namimili ako.”

Adonis Laxamana, willing pa ring magpa-sexy sa pagbabalik-showbiz

ILANG TAON ding iniwan ng model/hunk actor na si Adonis Laxamana ang showbiz para magtrabaho sa Japan at later on ay bumalik sa Canada. Pero katulad nga ng kasabihan na kapag natikman mo ang mundo ng showbiz, hindi mo ito basta-basta maiiwanan at babalik-balikan mo ito. At ito nga ang nangyari sa balik-showbiz na guwapo pa rin na si Adonis na gustong balikan ang mundo ng pag-arte.

Ayon nga kay Adonis, “Nu’ng iwan ko ‘yung showbiz, sabi ko magko-concentrate na lang ako sa ibang bagay. Kahit nga marami noon ang nagsasabi sa akin na magbalik-showbiz ako, hindi ko talaga pinapansin. Kasi parang feeling ko kasi, iba na ‘yung mundong ginagawalan ko.

“Pero after a few years nga, doon ko na-realize na nakami-miss din pala ang showbiz at gusto ko ulit umarte. Sana lang, mabigyan ako ulit ng pagkakataon. Kahit hindi na katulad dati na nagbibida ako, kahit support, father role, tito o kahit  ano basta maganda ‘yung proyekto, okey na sa akin ‘yun.”

Wala rin daw problema kay Adonis kung may sexy indie film siya na gagawin dahil minsan na rin naman daw niya itong ginawa noong nasa bakuran pa siya ng Regal Films na halos lahat ng nagawa niyang pelikula ay may temang sexy. Kailangan lang daw muna nitong magbawas ng timbang at magpaganda ng katawan bago tumanggap ng sexy roles sa mga indie film.

 

Pre-pageant ng Unisilvertime Campus Ambassadors 2014, matagumpay

 

MATAGUMPAY NA ginanap ang pre-pageant at selection of 20 semi-finalists (10 girls at 10 boys) ng kauna-unahang Unisilvertime Campus Ambassadors of the Philippines 2014 na hatid ng Unisilvertime at RDH Entertainment Network last Aug. 31, 2014 at the Roof Deck Emar Suites, 409 Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Maglalaban-laban ang 20 male and female semi-finalists ng Unisilvertime Campus Ambassadors of the Philippines 2014 sa coronation sa Sept. 6, 2014 sa SM Manila, kung saan magiging espsesyal na panauhin ang mga celebrity endorser ng Unisilvertime.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING