Joem Bascon, live-in muna bago kasal sa girlfriend

ADVERTISING

Joem Bascon, live-in muna bago kasal sa girlfriend

Joem Bascon, live-in muna bago kasal sa girlfriend
Joem Bascon

MATAGAL NA magkarelasyon ang aktor na si Joem Bascon at ang non-showbiz vlogger girlfriend niya na taga-Cebu named Crisha Uy.

Tila ito na nga marahil ang babaeng pakakasalan ng aktor na may katagalan na rin naman ang relasyon nila.

Pero kung itatanong mo kay Joem kung kailan siya ikakasal sa mapalad na pretty Cebuana girlfriend niya: ’ Not now. Hindi pa muna,’ sabi niya.

“Work muna tayo. Mag-iipon  muna ako ako for our future. Pero alam ko siya na. Tamang panahon  na lang ang hinihnitay namin.”

ADVERTISING

Nagpapasalamat nga ang binata na bukod sa maganda ang takbo ng kanyang showbiz career, with a new teleserye with Judy Ann Santos (Starla) ay walang problema ang lovelife niya. “Ok na muna ito. Yes, magka-live-in kami” sabi ng aktor.

Nakatakda na rin ang reunion project nila ni Lovi Poe via Regal Films’ “The Annulment”. Nagkasama ang dalawa sa ilang proyekto noon tulad ng Lihis, Aswang at The Bride and the Lover. May CinemaOne Originals entry din ito this year with Tony Labrusca.

 

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING