Jomari Yllana, ‘di mapigilan ang anak sa pag-aartista

ADVERTISING

Jomari Yllana, ‘di mapigilan ang anak sa pag-aartista

Jomari-YllanaKUNG ANG ibang actor na may anak na pinipigilan sa kanilang hilig na mag-artista, si Jomari Yllana naman ay wala nang nagawa kundi pumayag na rin sa hilig ng kanilang anak ni Aiko Melendez na si Andre Yllana na pasukin na rin ang showbiz.

ADVERTISING

Nitong nakaraang linggo ay may production number ang mag-ama sa father’s day presentation ng Sunday All Stars sa GMA 7. Nakaaaliw pagmasdan ang mag-ama na para lang magkapatid.

“Sabi ko kay Andre, kung gusto niya talagang mag-artista ay huwag niyang pababayaan ang kanyang pag-aaral. Mahirap mo naman kasing pigilan ang bata kung gusto niyang mag-showbiz, dahil saan pa siya magmamana? Ang mommy niya ay bata pa ay nag-artista na, at ang daddy naman niya ay bata pa rin nag-artista,” katuwiran ni Jomari nang makakuwentuhan namin.

Aktibo na naman ang movie career ni Jomari, dahil kasama siya sa teleseryeng Half-Sisters na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Thea Tolentino. Natatagalan ang paglabas ni Jom sa telebisyon at pelikula dahil nahihirapan daw siyang magpapayat. Pansin nga namin sa tsikahan namin, na guwapo pa rin siya at mukhang bata, pero ang kanyang katawan ay halata pa rin na medyo malapad dahil sa sobrang lusog.

ADVERTISING

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING