“Jologs si Carmen (Soo)” – Jericho Rosales

"Jologs si Carmen (Soo)" - Jericho RosalesNATUWA AKO SA kuwento ng ilang officers at organizers ng Global KISsers ng tambalang Jericho Rosales at Carmen Soo, na nagkaroon ng first Global Summit nila sa Jozu Restaurant noong Linggo ng hapon.

Si Shirley, who is from L.A. (Los Angeles, California, USA) ang nagkuwento na dahil sa Kahit Isang Saglit, isang member nila na nasa verge na ng divorce ang nagkaayos pa. Dahil nakita raw nu’ng misis ang mga kakilig at ka-in love na eksena nina Carmen at Echo sa KIS, marami raw itong na-realize sa pagsasama nilang mag-asawa kaya siya na ang gumawa ng paraan para yaKapin ang kanyang mister and from then on, sa tulong pa rin ng pagtungo nila sa isang therapist, hindi na sila nag-diborsyo. Ang isa namang nagpadala ng e-mail kay Shirley, na nagpahatid ng mensahe kay Carmen ay may kapansanan at kung dating wala nang sigla sa pagharap sa buhay, eh ang KIS daw ang naging dahilan para mag-look forward siya sa muling pagtayo at pagharap ng may ngiti sa buhay.

Sinaksihan ko ang nasabing summit na maikukumpara sa isang fans day. Pero sa summit na iyon, mga fans mula sa Cebu, Cagayan de Oro, Laguna, Japan, Malaysia at US nga na umabot sa 49 ang nagsidalo para lang makapiling ang mga idolo nilang nakatakda nang magsama sa isang pelikula sa Star Cinema. Naghanda sila ng mga VTR, may plaque of appreciation pa sa dalawang stars, may ‘tough 5’ questions na inihain sa dalawa at sangkaterbang regalo ang bitbit para sa mga idols nila.

Isa sa fervent wish nila for Carmen and Echo, na sana dumating ang panahong sila ang magkatuluyan sa tunay na buhay. Pero patuloy na sinasabi ng bagong Kapamilya at Star Magic member na si Carmen na she will always treasure Echo’s friendship. Dahil nang ginagawa pa lang nila ang KIS eh, sobra na raw siyang inalagaan ng aktor. At si Echo naman, maraming ini-reveal sa kanilang mga fans kung paano ring sa tunay na buhay pala eh, isang jologs ang babaeng modelo ngayon ng Petit Monde.

Patuloy sa kanyang pag-aaral ng Tagalog dito sa bansa si Carmen.
At si Echo, ha? Nag-krus na pala ang landas nila ng isang ex niya na si Cindy Kurleto sa isang concert ng isang foreign artist. Kasama raw ni Cindy ang boyfriend at ipinakilala naman sa kanya. Aminado si Echo na walang closure ang paghihiwalay nila noon ni Cindy. Pero nang magkita na nga raw sila at nagbatian naman, parang mas lumuwag na raw ang kanyang pakiramdam.

Dalawang letra nga lang ba sa alpabeto ang mga mapapalapit uli ngayon kay Echo? C – Carmen and Cristine Reyes, at K – Kristine Hermosa at Karylle. Talagang wala na si Cindy, eh.

KASAMA PALA SI Arnel Ignacio sa 22nd Season ng Daisy Siete, ang ‘Kambalilong.’ Nagkakape nga ito sa Café Leona sa Vigan nang makalkal niya ang guest book, at mamulatawan doon ang pangalan namin. Maganda raw ang role niya sa Kambalilong kaya niya ito tinanggap.

Pagdating naman sa kanyang political career, kahit na mum pa si Arnell sa mga panahong ito sa nauna nang napabalitang pagtakbo niya uli, tuluy-tuloy lang daw siya sa mga proyektong nasimulan na niya. In fact, ‘yung isang lupa niya sa may Congressional Ave. sa Kyusi eh, nakatakda raw niyang i-donate para magamit sa kawanggawa.

Ang nakakatawa sa text ni Arnelli, wala pa man daw eh, may nagbatuhan na ng pustiso dahil lang sa kanyang ido-donate na lupa. Meaning? Nag-aagawan na?

The Pillar
by Pilar Mateo