Jolo Revilla, walang time kay Jodi Sta. Maria?

ADVERTISING

Jolo Revilla, walang time kay Jodi Sta. Maria?

Jolo-Revilla-Jodi-Sta-MariaPAGDATING SA kanyang personal life, tikom ang bibig ni Jodi Sta. Maria, lalo pagdating sa isyung naglabasan about her and Jolo Revilla.

ADVERTISING

May isyu kasing nagkakalabuan na raw sila ni Jolo. Pero isang ngiti lang ang naisagot ng actress na isa sa lead cast ng pelikulang Maria Leonora Theresa na idinirek ni Wenn Deramas under Star Cinema.

“I think, hindi naman kaila sa inyo na pagdating sa personal life ko ay hindi ko masyadong pinag-uusapan. I hope you respect that, thank you, “say ni Jodi.

Dahil talagang walang mapiga ang press kay Jodi sa tunay na status ng relasyon nila ni Jolo Revilla, itinanong na lang sa kanya kung sino ang makaka-date niya sa gaganapin Star Magic Ball?

ADVERTISING

“Ako lang,” say ni Jodi na sinabayan ng tawa. “Gusto ko sanang gawing date ‘yung anak ko (Thirdy), pero hindi in-allow ng Star Magic, kasi medyo late na mag-i-start and baka ma-DOLE, echos!” aniya na natatawa pa rin.

Tanong tuloy sa kanya, kung hindi raw ba niya nagawang imbitahan si Jolo (Revilla)?

“I think he’s busy,” kaagad na sagot ni Jodi.

Anyway, kasama ni Jodi sa movie sina Iza Calzado at Zanjoe Marudo. First horror movie na ididirek ni Wen Deramas.

Sabi nga ni Direk Wenn, hindi sila magpapatawa sa movie. Magda-drama at the same time ay mananakot sila sa Maria Leonora Theresa.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING