Jolo Revilla, kailangang bantayan 24 oras

Jolo Revilla, kailangang bantayan 24 oras

Jolo-RevillaNAKA-SCHEDULE NA ako ngayon na pumunta ng Asian Hospital para dalawin si Jolo Revilla.

Siyempre, naloloka sila sa akin dahil sumasabay talaga ako sa statement ni Atty. Raymond Fortun tungkol sa nangyari kay Jolo.

Sabi ko nga kina Bong at Lani, hayaan na nila ako, ‘no! Hindi nila ako mapipigilan sa pagsasalita dahil sobrang apektado ako sa nangyari kay Jolo.

Mabuti at pinayagan ng Sandiganbayan si Sen. Bong Revilla na madalaw si Jolo, kaya sasabayan ko na sila du’n sa hospital.

Medyo mabuti na ang kalagayan ni Jolo, kaya patuloy ang pagtutok at pagbantay sa kanya nina Lani.

Dapat nga ay may taping si Lani sa Magpakailanman kahapon, pero umatras na siya dahil hindi raw niya puwedeng iwan si Jolo.

Baka nga naman hindi naman siya makapag-concentrate sa taping dahil siyempre ang nasa isip niya si Jolo.

Kailangan daw kasing bantayan ang anak niya na walang tulugan talaga. Kaya tumutulong din sa pagbabantay sa kanya si Jodi Sta. Maria.

Maraming mga taga-showbiz ang nabahala sa kalagayan ni Jolo, at siyempre nag-aalala sila kina Bong at Lani.

Marami naman silang mga kaibigan at mga katrabaho na nag-aalala sa kanila dahil napakabait naman nila sa lahat.

Marami ang nagpaparating ng mensahe sa mag-asawa na patuloy ang pagdarasal nila na malagpasan ito ni Jolo, at tuluy-tuloy na ang paggaling.

Pati sina Lani at Bong ay ipinagdarasal din nila na malagpasan nila itong pinagdadaanan nila.

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang kabuuan ng kuwento namin tungkol dito sa nangyari kay Jolo.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis