Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria, magpapakasal sa Amerika?

Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria, magpapakasal sa Amerika?

Jolo-Revilla-Jodi-Sta-MariaNAG-CELEBRATE MUNA si Lani Mercado ng birthday niya sa Bacoor, Cavite nu’ng nakaraang Lunes ng umaga dahil hindi naman siya puwedeng maghanda sa Camp Crame nu’ng araw na ‘yun dahil bawal ang dalaw sa araw na ‘yun.

Kaya nu’ng Linggo na sila nag-celebrate sa Camp Crame kasama ang buong pamilya at malalapit na kaibigan.

Kahit Linggo nga, pumunta ako dahil siyempre gusto naman ni Sen. Bong Revilla na marami ang pumunta.

Kaya nga pati mga ibang alaga ko, pinapuntan ko na rin para kahit pa’no, sumaya naman si Bong. Hindi naman talaga para sa birthday ni Lani ‘yan, kundi para kay Bong, ‘no!

Pagkatapos ng birthday ni Lani ay umalis na sila ni Jolo patungong Amerika.

Kasama rin nila ang isa pa niyang anak na si Loudette, ang anak ni Jolo na si Gab, at siyempre si Jodi Sta. Maria.

Ang purpose talaga nang pagpunta nila roon ay para ipagamot si Jolo sa kanyang migraine dahil medyo lumalala na raw ito.

Dala na rin siguro ng init ng panahon at ng sugat ni Jolo sa dibdib, madalas na inaatake ito ng migraine. Kaya gusto na nilang patingnan ito sa Amerika.

Gusto man daw nina Jolo na makapanood ng laban ni Manny Pacquiao, mukhang hindi na aabot dahil kailangan talagang makapagpagamot siya roon.

Natsismis na naman na baka roon na raw matuloy ang kasal, dahil pupunta rin sila ng Las Vegas. Mariing itinatanggi ito ni Jolo. Kapag tungkol kay Jodi, mas gusto raw niyang tahimik na lang dahil pribadong bahagi raw ‘yun ng kanilang buhay.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis