Jolo Revilla, itinangging sinaktan si Lovi Poe! – Ogie Diaz

ADVERTISING

Jolo Revilla, itinangging sinaktan si Lovi Poe! - Ogie Diaz

SINO BA ‘TONG Crissa na member ng isang all-young female group na ang claim to fame ay nabuntis siya ni Mark Herras at idedemanda niya ito kung hindi pananagutan ang kanyang dinadala?

ADVERTISING

Eh, pa’no ‘yan, ni hindi pala siya kilala nu’ng kine-claim niyang ama ng kanyang dinadala, anong next move?

Sey ni Mark, mamatay man daw siya, hindi niya kilala si Crissa. Ang tanging Crissa na kilala niya ay si Krissa Mae na naging dyowa ni Polo Ravales.

Na siyempre pa, hindi rin namin kilala.

ADVERTISING

IDINENAY RIN NI Jolo Revilla na kinaladkad at pinagsasampal niya si Lovi Poe nu’ng minsang magtalo sila sa labas ng isang bar. Wala rin itong matandaang gano’ng pangyayari.

Ano ba ‘yan? Ba’t me ganito kayang mga senaryo? Saang lupalop ng mundo naman nanggagaling ang ganitong balita?

Eh, ‘pag ganyang walang katotohanan at basehan ang balita ay it will die a natural death. Hindi kaya ang pagbintangan namang nagkakalat nito, eh, ‘yun ding Crissa?

HINDI NA SI Robin Padilla (belated happy birthday last Nov. 23, Robin!) ang leading man ni Kris Aquino sa Kung Tayo’y Magkakalayo kasama sina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Si Albert Martinez na. Kaya nalolokah nga kami sa schedule ni Albert, eh. Sundays, Tuesdays and Thursdays, nandu’n siya sa May Bukas Pa.

Mondays, Wednesdays and Fridays, du’n naman siya sa taping ng bagong teleserye nila ni Kris. Kaya ang tanong namin kay Albert, “Nag-iipon ka ba ng pampaospital mo?”

“Hahaha! Oo nga, ‘no! Pero ako naman, makatulog lang ako ng 4 hours, masaya na ‘ko, eh.” Well, ingat pa rin. Hindi rin natin masasabi, ‘di ba?

Panalong-panalo si Vice Ganda sa It’s Showtime! Kaabang-abang ang kanyang mga komento sa performance ng bawat grupo, dahil kakaiba ang kanyang approach. With matching humor and wit.

“Actually, pressure sa akin ang ‘It’s Showtime,’ eh. Pressure in the sense na kailangan, laging may baon ka palaging nakakatawang comment. Pero nag-e-enjoy ako. ‘Yun naman ang importante sa akin.”

Sa totoo lang, ang daming inquiries ang tumatawag sa amin para makuha lang nila si Vice Ganda sa mga ipinoprodyus na concert sa mga out of town, and even abroad. Kalokah.

Kahit si Vice din ay pinag-iingat namin, dahil aanhin mo nga naman ang kayamanan mo kung hindi ka naman healthy, ‘di ba?

Keep up the good work, Vice Ganda! Kahit hindi ka na mag-mayor, mas kilala kang Vice!

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING