Jolo Revilla, inatake ng migraine habang nagse-celebrate ng birthday sa Crame

Jolo Revilla, inatake ng migraine habang nagse-celebrate ng birthday sa Crame

Jolo-RevillaNAKAAAWA NAMAN si Jolo Revilla na nag-celebrate ng 27th birthday niya nu’ng nakaraang Linggo.

Sa Camp Crame silang lahat at nagkaroon doon ng konting salu-salo at prayer and worship service na lagi naman nilang ginagawa tuwing Linggo.

Medyo hirap daw si Jolo nu’ng araw na iyon dahil inaatake daw siya ng matinding migraine.

In fairness kay Jodi Sta. Maria, siya talaga ang personal na nag-asikaso kay Jolo. Aligaga raw ito sa paglagay ng ice bag sa ulo ni Jolo, at siya pa raw ang may hawak ng mga gamot na tini-take ni Jolo.

Nakakatuwa naman silang dalawa, ‘di ba?

Marami naman ang nagpuntahan sa kaarawan ni Jolo, pero pagkatapos pala nu’n, isinugod siya sa hospital dahil sa sobrang sakit ng ulo dala ng migraine.

Pero kinagabihan daw ay pinauwi na rin ito.

Nagpapasalamat si Jolo sa lahat ng blessings at sa pangalawang buhay raw na ibinigay sa kanya ng Diyos.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis