Jolo Revilla inaming hindi perfect ang kanilang relasyon ng asawang beauty queen

ADVERTISING
Leo Bukas

ISANG TAON nang kasal ang actor-politician na si Jolo Revilla at ang former beauty queen na si Angelica Alita. Ginanap ang garden wedding ng dalawa noong December 15, 2019 sa Newport Beach, California sa Amerika.

Ibinahagi ni Jolo sa social media ang kanyang sweet message sa asawang beauty queen para i-celebrate ang kanilang first wedding anniversary. Ipinost din ni Jolo ang photo nakuha nung kanilang kasal sa Amerika.

ADVERTISING
Jolo Revilla inaming hindi perfect ang kanilang relasyon ng asawang beauty queen
Jolo Revilla and wife Angelica Alita

Caption ni Jolo,  “Isang taon na mula ng sumumpa ako sa Diyos na ikaw ang kabiyak na aking pakamamahalin habang ako ay nabubuhay.

“Isang taon na rin mula ng ipagkatiwala mo sa akin ang iyong puso at pagmamahal bilang iyong katipan.”

Ibihanagi din ng aktor na may mga hinarap na hamon ang kanilang pagsasama pero napagtagumpayan daw nila ito.

ADVERTISING

“Sa loob ng isang taon, may kaunti mang mga hamon, mas nanaig pa rin ang ating pagmamahal at pagtitiwala sa isa’t isa. Nalagpasan na natin ang isang taon, may isang habambuhay pa tayong bubunuin ng magkatuwang.

“Habang nakasentro sa Panginoon ang ating pagsasama, mananatiling matibay at matatag ang bigkis natin sa isa’t isa. Mahal na mahal kita!” lahad pa niya.

Samantala, matatandaan na bago naging girlfriend ni Jolo si Angelica ay nakarelasyon din niya ang aktres na si Jodi Sta. Maria. Bago naman nagpakasal si Angelica kay Jolo ay dati siyang Star Magic artist at nanalong first runner-up sa Binibining Pilipinas noong 2016.

 

ADVERTISING