Jolo Revilla ibinahagi ang tunay na kalagayan ng kanyang puso ngayon

ADVERTISING

Jolo Revilla ibinahagi ang tunay  na kalagayan ng kanyang puso ngayon

Jolo Revilla ibinahagi ang tunay  na kalagayan ng kanyang puso ngayon
Jolo Revilla

KAHIT tungkol sa pelikulang Tres ang dapat pag-usapan sa intimate lunch date ng ilang entertainment press kay Cavite Vice Gov. Jolo Revilla ay hindi pa rin naiwasang tanungin ang actor-politician tungkol sa isyung hiwalay na sila ni Jodi Sta. Maria.

Sa tanong namin sa kanya kung kumusta na ang puso niya ay napangiti lang siya at matipid ang naging pahayag.

Aniya, “All I can say is that…”

Pero hindi niya agad nadugtungan ang unang sinabi dahil saglit siyang natigilan.

ADVERTISING

Patuloy niya, “ Ang masasabi ko, binigay niya sa akin… kumbaga, nilabas niya yung best sa akin. Wala akong masasabi tungkol sa kanya.”

Naging very responsible person din daw siya dahil kay Jodi.

 “She made me a more responsible person… Mahal ko yon. Basta ’yon na lang, mahal ko  ’yon,” sambit pa niya.

Walong taon ding tumagal ang relasyon nina Jolo at Jodi kaya marami ang nanghihinayang sa balitang nagkahiwalay na sila.

Unti-unti na ba siyang nakaka-move-on ngayon?

 “That’s one step at a time. I’ll be focusing on myself first,” matipid niyang sagot sa amin.

 “Basta naniniwala ako na si Lord ang bahala kung saan kami humantong,” makahulugan niyang tinuran.

Samantala, ang pelikulang Tres na prinodyus ng Imus Productions ay isang trilogy movie. Si Jolo ang bida para sa episode na 72 Hours na idinirek ni Dondon Santos. Si Rhian naman ang leading lady niya sa pelikula.

The other two films in the trilogy ay pinagbibidahan naman ng mga kapatid ni Jolo na sina Luigi at Bryan Revilla.

Bukod sa 72 Hours ay gabi-gabi ring napapnood si Jolo sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan naman ni Coco Martin.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING