Jolo Revilla, humingi ng sorry sa amang si Sen. Bong Revilla

Jolo Revilla, humingi ng sorry sa amang si Sen. Bong Revilla

Jolo-RevillaSA MGA nagmamahal sa pamilya ni Revilla, hindi na mahalaga kung ano ba ang tunay na dahilan ng pagkakabaril ni Jolo Revilla. Ang tanging hiling nila ay bumuti ang kanyang kalagayan. Dasal para sa kanyang speedy recovery.

Nakadalaw na nga si Senator Bong Revilla  dahil pinayagan  ito ng makalabas  sa Camp Crame, at sa kanilang pagkikita sa Asian Hospital ay humingi ang anak ng sorry. At ganoon din ang ama na humingi rin ng sorry, ayon nga kay Lolit Solis.

Nakatakdang sumailalim sa CT scan si Jolo para masusing makita pa ang mga dapat magamot sa kanya ng mga doktor.

Kami’y nagdarasal din para kay Vice-Governor Jolo.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!