Jolo Revilla, ‘di pa p’wedeng ma-expose sa maraming tao

Jolo Revilla, ‘di pa p’wedeng ma-expose sa maraming tao

Jolo-Revilla-Lani-MercadoHINDI KO alam kung natuloy ang pagdalaw ni Jolo Revilla sa Papa niya sa Camp Crame kahapon.

Kalalabas lang kasi niya ng hospital at ang gusto niya, makita niya agad ang Papa niya.

Ang payo kasi ng doktor niya, hindi pa siya talaga puwedeng lumabas at ma-expose sa maraming tao dahil sa mahina ang lungs niya. Kaya pinag-Iingat ito.

Isang buwan talaga siyang on leave, at baka bumalik pa ang sakit niya.

Pero nagpapasalamat sina Bong at Lani dahil sa dami ng suportang nakararating sa kanila.

Marami ang nagpaparating ng mensaheng ipinagdarasal nila si Jolo at ang pinagdaanan ngayon ng pamilya.

Nu’ng nakaraang Linggo nga ay sinilebrayt ng Daddy nilang si dating Sen. Ramon Revilla Sr. ang kanyang kaarawan at dapat ay pupunta ito ng Camp Crame, pero biglang nagkalagnat daw ito, kaya nasa bahay na lang siya.

Medyo nalungkot na naman si Sen. Bong dahil hindi niya nakita ang ama niya sa kaarawan nito.

Nangako naman si Mang Ramon na dadalawin niya ang anak niya kapag okay na ang pakiramdam nito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis