Jolo Revilla, determinadong maging action star!

ADVERTISING

Jolo Revilla, determinadong maging action star!

BALIK KAPAMILYA NETWORK si Jolo Revilla para sa action adventure series na Agimat ni Ramon Revilla, Sr. Apat na blockbuster films ito ng Imus Production – Pepeng Agimat, Hulihin si… Tiagong Akyat, Tonyong Bayawak at Tonyong Bayawak. Makakasama ng actor sa nasabing serye ang tatlong Prinsipe ng ABS-CBN na sina Jake Cuenca, Gerald Anderson at Coco Martin. Si Jolo ang gaganap bilang Pepeng Agimat.

ADVERTISING

“I’m very thankful sa ABS sa break na ibinigay nila sa akin kaya sobra akong excited sa project na ito. Masasabi kong biggest break ko ito as an action star, hindi ko dapat biguin ang mga taong nagtiwala sa akin for this project,” bungad ni Jolo.

Contract star na ba siya ngayon ng ABS-CBN? “Hindi naman po, for this project lang. Hindi naman ako nag-sign ng contract sa kanila. Puwede uli akong bumalik sa GMA. Nagpaalam naman po ako sa kanila na may gagawin ako sa Dos, pumayag naman sila. Wal naman akong project after Totoy Bato so, timing itong Agimat.”

Paano kung papirmahin ka ng exclusive contract ng ABS-CBN? “Okey lang po, depende po ‘yun sa mapag-uusapan, sa project na ibibigay nila sa akin. Kung magaganda naman po ‘yung offer na ibibigay nila sa akin at makakatulong sa career ko, why not! Wala naman akong kontrata sa GMA kaya puwede ako kung saan ko gusto,” wika ni Jolo.

ADVERTISING

Ibayong paghahanda ngayon ang ginagawa ni Jolo para maging makatotohanan ang papel na gagampanan niya sa Pepeng Agimat. Kita naman sa pangangatawan ngayon ng binatang ama, perfectly in good shape. “Ayaw kong mapahiya kay Lolo Ramon at sa Daddy ko kaya gusto kong maging makatotohanan ang aking pagganap. I want to impress them, oras na mapanood nila. Tuluy-tuloy ang gym ko bilang paghahanda.” Determinado talaga si Jolo na maging action star.

Siyempre, tinanong namin si Jolo tungkol sa relasyon nila ni Lovi Poe? “Smooth na ngayon ‘yung relationship namin. Naka-focus kami ngayon sa aming career, dito muna kami magko-concentrate. Kahit papaano nakapag-adjust na kami, alam namin ang limitation sa isa’t isa. Kung hindi kami nagkikita, nagkakausap naman kami sa cellphone. Ang importante may communication kayo sa isa’t isa, ‘yun ang hindi dapat mawala. She’s very supportive naman sa career ko ganoon din naman ako sa kanya. Pareho lang kaming may kanya-kanyang career na  kailangang seryosohin, focus sa trabaho at determination.”

Matalbugan kaya ni Jolo sina Jake, Gerald at Coco? “Wala po akong iniisip na ganyan. May kanya-kanya naman po kaming kakayahan as an actor so, ibigay na lang po natin ang best. Malaki ang respeto ko kina Jake, Gerald at Coco as actors, dahil magagaling silang artista at napapanood ko sila sa Tayong Dalawa. Hindi naman ako nakikipagpaligsahan sa kanila. Kahit first time ko silang makasama, na-feel ko agad ‘yung friendship nila sa akin. Hindi na iba ang trato nila sa akin, para na rin akong kapamilya. Apat na istorya ng Agimat na iba’t ibang kuwento na kami ang gaganap,” malumanay na sabi ni Jolo.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING