Jolo Revilla, bumubuti na ang kalagayan

Jolo Revilla, bumubuti na ang kalagayan

Jolo-Revilla-Jodi-Sta-MariaNA-PHONE PATCH interview namin si Lani Mercado sa Startalk nu’ng kamakalawa ng hapon.

Nagpasalamat na siya roon sa lahat ng nag-alala, tumulong at nagdasal na malagpasan ni Jolo itong lahat.

Wala munang sinasabi si Lani tungkol sa nangyari dahil mas mabuting si Jolo na lang ang magsalita.

Pero sa ngayon, kailangan pa ni Jolo na magpagaling, at may improvement naman ang kalagayan niya.

Nu’ng nakaraang Sabado nga, tinanggal na ang tube sa dibdib niya na kung saan doon idinaraan ang dugo na lumalabas.

Nagkaroon kasi ng bleeding nu’ng mga nakaraang araw kaya nilagyan ito ng tube. Pero ngayon ay tumigil na raw kaya tinanggal na nila ang tube.

Mas okay na ngayon si Jolo, lalo na’t laging nandiyan si Jodi para samahan siya at alagaan.

Nag-post na nga si Lani ng picture nina Jolo at Jodi na sweet kasama ang kani-kanilang anak.

Nakatutuwang tingnan. Lalo na’t nakangingiti na si Jolo sa litrato.

Pagkatapos ng operasyon, kung saan tinanggal ang tube sa dibdib ni Jolo, nagpa-pictue naman silang mag-ina at maayos na ang itsura ni Jolo.

Baka sa Martes, puwede nang lumabas si Jolo sa hospital, pero kailangan pa raw niyang magpahinga nang at least isang buwan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis