Jolo Revilla: aksidente o suicide attempt?

Jolo Revilla: aksidente o suicide attempt?

Jolo-RevillaKUNG ANU-ANONG ispekulasyon ang kumakalat sa tunay na dahilan sa pagkakabaril sa dibdib ni Cavite Vice Gov. Jolo Revilla nung Sabado nang 9am.

Ayon kay Ate Lolit Solis, na-depress si Jolo nang makarating dito na from Custodial Center sa Crame ay ililipat sa regular detention cell ang kanyang ama, kaya parang gusto na nitong tapusin ang buhay.

Samantalang mga 9pm naman ay nagbigay ng statement si Atty. Raymund Fortun (bilang siya ang kinuhang spokesperson ng mga Revilla) sa DZMM at sa media na aksidenteng nabaril ni Jolo ang sarili habang naglilinis ng baril.

Anyway, alinman doon ang totoo’y ang mahalaga’y stable na ang kundisyon ni Jolo at itinuturing niya itong second life at sana nga kung depressed man siya ay malampasan niya ito o kung naglilinis man siya ng baril ay next time, linisin na niya ito nang walang bala.

Oh My G!
by Ogie Diaz