Jollibee TVC, kopya sa lumang teleserye nina Bea at John Lloyd

ADVERTISING

Jollibee TVC, kopya sa lumang teleserye nina Bea at John Lloyd

Naging viral sa social media ang paandar ng Jollibee sa kanilang bagong tatlong TVC na may pamagat na “Vow”, “Crush”, at “Date”.

Jollibee TVC, kopya sa lumang teleserye nina Bea at John Lloyd
Bea Alonzo and John Lloyd Cruz
Jollibee TVC, kopya sa lumang teleserye nina Bea at John Lloyd
Screengrab from Jollibee TVC “Vow”

‘Yong “Vow” ay tungkol sa male bestfriend na in love sa girl bestfriend niya, pero hindi niya naitawid ang nararamdaman hanggang sa magpakasal na si “Bes” sa lalaking mahal niya.

Sa katunayan, may issue nga ang “Vow” storyboard. Sabi ng mga nakaalala, ‘yong eksenang naglalakad na si Bride patungong altar ay kopya sa isang eksena ng teleserye nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo with John Estrada na “A Beautiful Affair”, na sasabihin mong hindi orihinal ang naturang konsepto ng TVC ng kompanya.

Sa shots, iisipin nang nanonood na si Bestfriend o si Lloydie (sa serye) ang groom na pakakasalan ni Bride o ni Bea (sa serye) na sa pagdating sa harap ng altar ay mali pala ang akala ng viewers. Hindi si male besfriend ang pakakasalan ni girl bestfriend kundi ang isang lalaki na sa kabuunan ng TVC ay hindi kasama sa kuwento prior to the wedding dahil nag-focus ang ad agency at sumulat ng storyboard sa “friendship” nina bride at ang kanyang male besffriend. Sa teleserye, hindi si Lloydie ang groom, kundi nagpakasal si Bea kay John. Kumbaga, pag-ibig na “hopia” lang talaga.

ADVERTISING

Ang kuwento ng “Date” ang pinakamaganda sa tatlong paandar nila. Mas touching lalo pa’t kuwento ng mother and son na ang bilin ng ama sa paghahanda ng Valentine date para sa misis niya (ina ni bagets) na sinusundan ng anak, na sa bandang huli ng storyboard, dead na pala si fadir na gusto lang tuparin ang pangakong “date” sa kanyang misis.

Ang kuwento ng “Crush” ay istorya sa usapin na sa pag-ibig ay may “Forever” na hanggang sa pagtanda nila ay sila pa rin.

Pero sa tatlo, mas touching, mas Pinoy na Pinoy ang konsepto ng “Date” dahil ang tunay na pag-ibig ay endless kahit sa kabilang buhay na.

ADVERTISING