Jolina Magdangal, wala na raw sama ng loob kay Claudine Barretto

Jolina Magdangal, wala na raw sama ng loob kay Claudine Barretto

Jolina-MagdangalMAY KINIKIMKIM palang “sama ng loob” noon ang Flordeliza lead star na si Jolina Magdangal sa aktres na si Claudine Barretto. Nangyari daw ito nu’ng panahong magkatrabaho pa sila sa seryeng Iglot ng GMA-7 na na-cut short dahil sa problema ni Claudine.

Pero ngayon daw ay okey na sila. Nawala na rin ‘yung hesitation niya na muling makatrabaho ang aktres pagkatapos nilang mag-reunion sa Ang TV.

“Nakita ko kung gaano siya ka-sincere to embrace me and to say ‘happy na tayo, mommy na tayo, ganu’n. Parang nag-open ulit ‘yung… nawala ‘yung hesitation ko to work with her. So if ever na may chance, ba’t hindi? I think, we’re grown-ups already para harapin ang mga bagay-bagay kung magkakaproblema man,” pahayag ni Jolina.

“Nu’ng time kasi na ‘yon parang smooth naman ‘yung show, mataas ‘yung rating, maganda ‘yung istorya tapos nagkaroon siya ng problema and parang… natapos din bigla ‘yung show. Eh, hindi ako sanay nang ganu’n.

“Pero ‘pag tagal-tagal, ‘pag pala nag-asawa ka na, nagkaroon ka na ng anak, mas lumalawak ‘yung pang-unawa mo sa mga tao, and naintindihan ko siya. Nu’ng niyakap niya ako sa reunion namin ng Ang TV, naramdaman ko ‘yung sincerity, tapos nakikipagkuwentuhan siya tungkol sa anak, sabi ko, ‘why not, ‘di ba?” pahayag pa ni Jolina.

Samantala, bagama’t ending na in four weeks ng Flordeliza, masaya pa rin si Jolina dahil ang original na pang one season (13 weeks) lang na series ay umabot nang halos 7 buwan.

La Boka
by Leo Bukas