Jolina Magdangal on ‘kaibigan mo lang ako’ scene with Marvin Agustin: ‘Iyon talaga ang nararamdaman ko!’

NALOKA ang mga listeners ng ‘Walang Kwentang Podcast‘ nina Direk Antoinette Jadaone at Juan Miguel Severo nang walang kiyemeng inamin ng kanilang special guest na si Jolina Magdangal ang kuwento sa likod ng iconic line niya para sa pelikulang ‘Labs Kita, Okay ka Lang?’ na pinagbidahan nila noon ng kanyang onscreen partner na si Marvin Agustin.

Jolina Magdangal on 'kaibigan mo lang ako' scene with Marvin Agustin: 'Iyon talaga ang nararamdaman ko!'
Jolina Magdangal and Marvin Agustin in Labs Kita, Okay Ka Lang?

Maituturing na isa sa pinaka-memorable na friends turned lovers film sa Philippine Cinema ang pelikulang ito na hanggang ngayon ay quotable quote pa rin ng mga na-friendzone. Tatak na tatak pa rin sa memorya ng mga tao sina Bujoy (Jolina) at Ned (Marvin).

“Yung time na yon, iyon talaga ang nararamdaman ko kay Marvin. Yung ‘kaibigan, kaibigan mo lang talaga ko and I’m so stupid.’ Ayon yung moment na ‘yon,”

“Oh, yes kaibigan mo ‘ko. Kaibigan mo lang ako. And that’s all I ever was to you, Ned, your best friend. Takbuhan mo kapag may problema ka, taga-sunod, taga-bigay ng advice, taga-enroll, taga-gawa ng assignment. Taga-pagpatawa sa iyo kapag nalulungkot ka. Tagatanggap ng kahit na ano… and I’m so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my best friend. Dahil kahit kelan, hindi mo naman ako makikita eh, kahit kelan hindi mo ako kayang mahalin na higit pa sa isang kaibigan,” nangingiyak na pag-amin ni Bujoy kay Ned.

Shookt din ang podcast hosts/Jolina faneys na sina Juan Miguel at Antoinette sa biglaang rebelasyon ng kanilang childhood idol.

“Nakakaloka na ni-share mo randomly na yon yung nararamdaman mo kay Marvin. Sabi ko pa naman kanina, ‘Itatanong ba natin kay Jolina kung minahal niya si Marvin ever?’” ani Juan Miguel.

“Pero kinuwento lang niya na tayong tatlo lang ang nagkakarinigan,” dagdag pa ni Direk Tonet.

Ayon kay Jolina, alam daw ni Marvin ang tunay na nararamdaman niya para sa kanyang ka-loveteam.

“Pero parang naging open naman ako dati don sa feelings ko noong time nong ‘Labs Kita Okay Ka Lang.’ Parang ‘uy Marvin hindi na to Flames ha. Yung mga time na Flames na movie na parang masyadong pa-sweet ha.’ Medyo may drama na ito. May pinagsamahan na kami ng slight don,”

“Kada sasabihin ko yung line na ‘kaibigan mo lang’ yung word na ‘lang’ talagang hindi na ko makahinga. Kaibigan mo lang. Parang ganong ang turing mo sa akin,” dagdag pa niya.

Ikwinento rin ni Jolina na ang isa pang nakakalokang rebelasyon tungkol sa ‘basag kotse’ scene niya sa Gimik: The Movie, kung saan nagkaroon ng ‘carwash kiss’ si Marvin sa ka-eksena niyang baguhan pa noon na si Kristine Hermosa.

“Sa eksenang yon, galit na galit talaga ko non. Kasi, siyempre dubbing na lang ‘di ba, pero talagang may sinabi ako don kaya talagang nabasag ko yung salamin,”

“Nagalit din ako kay Marvin no’n dahil nong time na ‘yon parang suma-something siya kay Kristine ng totoo. Ayon after ng eksenang ‘yon sobra na ‘yung iyak ko. Naupo lang ako sa gilid ng gulong,” pagkuwento pa niya.
Jolina Magdangal on 'kaibigan mo lang ako' scene with Marvin Agustin: 'Iyon talaga ang nararamdaman ko!'Sa mga sobrang bagets pa, tanungin niyo ang mga magulang ninyo at sasabihin nila na sobrang sikat ng tambalang Marvin at Jolina noon. Ilan sa mga pelikulang pinagsamahan nila ay ang Flames: The Movie, Labs Kita, Okay ka Lang?, Hey Babe at Gimik: The Movie.

Sa mga nakakamiss kay Jolina sa big screen, good news dahil palabas na ang ‘Momshies Ang Soul Mo’y Akin’ kung saan ka-riot niya ang kapwa Magandang Buhay hosts na sina Karla Estrada at Melai Cantiveros.

Previous articleVLOG WATCH: Janice De Belen’s Creative Craft Room
Next articleAlwyn Uytingco nangungilala sa dalawang anak na babae