Jolina Magdangal, nakuha rin ni Marvin Agustin

Jolina Magdangal, nakuha rin ni Marvin Agustin

Marvin-Agustin-Jolina-MagdangalTHANKFUL SI Jolina Magdangal sa ABS-CBN, dahil pagkatapos ng seryeng Flordeliza nila ni Marvin Agustin, may kasunod agad siyang soap na gagawin with Piolo Pascual, Sam Milby, at Toni Gonzaga. Binanggit din ni Jolens na business partner na sila ni Marvin ngayon sa isang resto somewhere in Fairview. Kahit almost 40 branches na ang resto business ng actor, gusto rin niyang mag-master ng Entrepreneurship sa Ateneo.

Bakit nga ba biglang naging business partner sina Marvin at Jolina? Nagbibirong sagot ng actor, “Kasi si Mark (Escueta, husband ni Jolens) nakuha na siya personally, kahit man lang professionally, makuha ko siya. Ang higpit ng competition…”

Kung tutuusin, puwede nang mag-asawa si Marvin at bumuo ng sarili niyang pamilya kahit may anak na ito. Financially stable na ito at masuwerte ang kanyang mapapangasawa dahil hardworking ang binatang ama. “Minsan kapag nagkukuwentuhan kami, naitanong ko sa kanya kung bakit hindi pa siya nag-aasawa. Happy na siya sa pagiging single niya,” turan ng actress-singer.

Blessing para kay Jolina ang balik-tambalan nila ni Marvin, after so many years na first movie nila with Direk Wenn Deramas under Star Cinema. Nabuhay muli ang kanilang mga fans na hanggang ngayon, solid din sa kanila at patuloy na sinusubaybayan ang bawat project na gawin ng magka-loveteam. Sabi ni Direk Wenn, malaki raw ang naitulong ng maturity nina Marvin at Jolina sa mga madramang eksena nila sa Flordeliza. Pinupuri niya ang dalawa, lalo na sina Jolens at Desiree del Valle na lume-level na raw kina Nora Aunor at Vilma Santos.

“Kahit nga sa mga love scenes, hindi ako nahirapang paartehin sina Marvin, Jolina, at Desiree. Ang gagaling nila pare-pareho, napaka-professional nilang tatlo,” papuring sabi ni Direk Wenn. Inamin ni Jolina na first time siyang nakipag-kissing scene with Marvin. “Hindi ako nailang kay Marvin, dahil trusted ko siya. Nu’ng mga bata pa kami, may gigil factor sa akin si Marvin. Ngayon mas suwabe at marunong na siyang mag-control,” say ni Jolens.

Sinabi rin ni Direk Wenn na si Jolina ang original na Sarah Geronimo, dahil kahit nasa tamang edad (26 years old) na ito, ayaw pa ring pumayag makipag-kissing scene on the big screen. Ang pagkakaalam namin, pumayag na raw ang dalagang magpahalik kay Piolo Pascual sa movie nilang The Breakup Playlist. “Payag na akong may kissing scene ngayon, kahit kaninong aktor basta kailangan sa istorya. Hindi ‘yung panghatak lang para panoorin ‘yung project,” say ni Jolens.

Hindi raw big deal sa husband ni Jolina na si Mark kung may kissing scene ito. “Ang totoo n’yan, sabay pa nga naming pinanood ni Mark at Nanay niya that time sa bahay. Pero casual lang ang reaction nila, ‘yun,” kuwento ni Jolens.

Ngayon malapit nang mag-wakas ang Flordeliza, sobrang nalulungkot si Desiree. Naging emotional ito sa thanksgiving party at hindi napigilang umiyak. “Mami-miss ko ang magandang samahan ng buong cast na parang pamilya ang turingan namin,” sambit ng actress. Hoping siya na sana raw sa mga susunod niyang serye, mabait uli ang role na magampanan nito. Ibang pakiramdam kapag mabait daw ang papel na ginagampanan niya, kaysa sa mga off-beat na madalas niyang gawin.

Kahit isa sa mga bida si Desiree sa Flordeliza with Marvin at Jolina, willing pa rin siyang gumanap na kontrabida basta markado raw ang role at very challenging ‘yung character ay tatanggapin pa rin niya. Hindi itinanggi ng magaling na actress na may special someone na tunay na nagmamahal sa kanya sa ngayon. Ini-enjoy raw nila pareho ang relationship na mayroon sila. Walang expectation kung hanggang saan hahantong ang kanilang pagmamahalan. Hayaan na lang daw natin ang panahon ang magtakda kung sila na nga ang itinakda para sa isa’t isa.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield