Jolina Magdangal, kailangang mag-effort para maka-bonding si Judy Ann Santos

Jolina Magdangal, kailangang mag-effort para maka-bonding si Judy Ann Santos

Judy-Ann-Santos-Jolina-MagdangalBAGAMA’T MADALANG magkita, itinuturing pa rin ni Jolina Magdangal na best friend niya sa showbiz si Judy Ann Santos. Ito ang naikuwento sa amin ng aktres during the presscon of Super Twins Premium Diaper na first endorsement ng anak nila ni Mark Escueta na si Pele.

“Kelan lang, nu’ng magkasama kami, nagtsitsikahan kami tungkol sa lahat ng bagay, hindi lang tungkol sa mga anak namin. Feeling ko nga, parang kulang pa ‘yung time namin together, eh, para makapagtsikahan. Parang kailangan ko pang mag-effort para madalaw ko siya.”

Na-miss din daw niya si Juday.

“Nu’ng time na magkita kami, ang tagal naming hindi nagkita, parang taon na ‘ata. Kaya nu’ng nagkita kami, first week of October yata ‘yon, na-miss ko siya sobra.

“Sinabi ko talaga sa kanya na na-miss ko siyang katsikahan, tapos matured enough siya para magsabi rin ako tungkol sa anak kasi may anak din siya, tapos puwede ninyong pag-usapan ang kahit ano… ‘yung mga ganu’n,” kuwento pa ni Jolina.

Ayon pa sa ina ni Pele, kahit hindi sila nagkakasama at nagkakausap nang madalas ni Juday, hindi raw nagbabago ang kanilang samahan.

“Kasi ang bestfriend para sa akin, hindi kailangan lagi mong kasama, eh. Ang bestfriend para sa akin ‘yung kahit hindi mo kasama pero any time na kailangan mo ng kausap o magkita kayo, may reconnection na nangyayari,” sey pa niya.

La Boka
by Leo Bukas