Jolina Magdangal, inaabangan ang pagpapakasal ni Marvin Agustin

ADVERTISING

Jolina Magdangal, inaabangan ang pagpapakasal ni Marvin Agustin

Jolina-Magdangal-Marvin-AgustinSPEAKING OF balik-tambalan, balik naman ang tambalang Jolina Magdangal at Marvin Agustin via the seryeng
Flor de Liza at sa kanilang dating TV station na ABS-CBN 2.

Mas naging dikit ang dalawa ngayon dahil nga may kanya-kanya na sila ng buhay.

At ayon nga kay Jolina ay looking forward siya na mag-asawa o magpakasal ang kanyang ka-loveteam.

At oras na magpakasal daw si Marvin ay siya ang unang a-attend. Bibigyan daw niya ng oras ang pagsaksi sa kasalang magaganap.

ADVERTISING

Inamin din ni Jolina na nagtampo siya kay Marvin dahil hindi ito um-attend nang siya naman ang ikinasal.

At may sagot naman si Marvin na, moment ni Jolina at asawang si Mark Escueta ang kasalan na ‘yon. Kaya hindi ito um-attend.

Ang mahalaga ngayon ay okey na okey silang dalawa. At tiyak na matutuwa ang kanilang mga fans…

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING