Jolina Magdangal, excited sa muli nilang pagsasama ni Marvin Agustin sa Dos

ADVERTISING

Jolina Magdangal, excited sa muli nilang pagsasama ni Marvin Agustin sa Dos

1 Marvin-Agustin-Jolina-MagdangalKAHIT KAMI ay excited na sa muling pagbabalik-tambalan nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa ABS-CBN sa programang Flordeliza. Masayang-masaya ang pakiramdam ni Jolina nang i-welcome siya ni Ms. Linggit Tan sa kanyang unit at ng direktor ng Flordeliza na si Wenn Deramas.

“Nakaka-excite. Ang sarap ng pakiramdam na nakabalik ako. Sana excited din si Marvin,” pahayag pa ni Jolens.

Sa November na ipalalabas ang Flordeliza at kung hindi kami nagkakamali ay ito ang ipapalit sa Be Careful With My Heart nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap na malapit nang mag-end.

Maayos ang ginawang pagpapaalam ni Jolina sa GMA-7 bago siya bumalik sa dating TV network na nag-build-up sa kanya. Binigyan pa niya ng roses ang lady bosses ng Siyete bilang pagtanaw ng utang na loob sa ginawa nilang pag-aalaga sa aktres.

ADVERTISING

Welcome back to ABS-CBN, Jolina and Marvin. I’m sure, hinihintay na ng fans ninyo ang inyong Flordeliza.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING