Jolina Magdangal, ‘di pagbubuhatan ng kamay ang anak

ADVERTISING

Jolina Magdangal, ‘di pagbubuhatan ng kamay ang anak

Jolina-Magdangal-PeleMAKULIT PERO hindi sumpungin ang anak nina Jolina Magdangal at Mark Escueta na si Pele kaya maayos na natapos ang presscon ng Super Twins Premium Diaper na first endorser ng bata.

ADVERTISING

Habang nagpi-presscon, panay ang agaw ni Pele sa microphone at salita nang salita na hindi naman maintindihan kahit ng kanyang mga magulang. Halata ring sanay sa tao ang bata at puwedeng-puwede itong mag-artista.

“Kahit gabi na hindi pa rin ‘yan sinusumpong. Gusto niyang nakakakita ng mga tao kaya aliw na aliw ‘yung mga artista na kasama ko sa taping ‘pag dinadala ko si Pele,” kuwento ni Jolina.

Eh, paano ba niya balak disiplinahin ang panganay na anak?

ADVERTISING

“Gusto kong matutunan, kahit nu’ng wala pa akong anak, sabi ko ko ‘pag nagkaanak na ako ang gusto ko, eh, madidisiplina ko siya na kinakausap lang. Ayokong pagbubuhatan siya ng kamay.

“Kahit sabihin mo pang okey lang mamalo, ako, ayoko talaga. Hangga’t makakausap ko siya nang maayos. Kung kailangan ng tiyaga, titiyagain ko talaga,” paniniguro pa niya.

Samantala, malaki naman ang pasalamat ni Aileen Go, owner ng Megasoft, sa pagpayag ni Jolina at ng pamilya niya na maging endorser ng Super Twins Premium Diaper.

“Hindi ako nahirapang kunin sila. Pagkatapos nilang i-try ‘yung diaper namin, nag-yes agad sila. I’m happy na nagustuhan nila ‘yung produkto namin,” sey ni Aileen.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING