Jolina Magdangal, ‘di pa sanay na mahiwalay sa anak

ADVERTISING

Jolina Magdangal, ‘di pa sanay na mahiwalay sa anak

Jolina-MagdangalHINDI RAW talaga sanay si Jolina Magdangal na napapahiwalay siya sa baby nila ni Mark Escueta na si Pele. Kaya ngayong balik-Sunday All Stars (SAS) siya, aligaga at nagkukumahog siyang makauwi na kaagad pagkatapos ng airing nito.

“Nagbi-breastfeed kasi ako, e. Kapag hindi pa ako makauwi kaagad, baka pumutok na!” natawang biro nga niya nang makakuwentuhan namin.

“Second Sunday ko na ‘to sa SAS. Mahirap sa akin na naiiwan ko si Pele. ‘Yong first Sunday ko, sobrang nahirapan ako talaga. Kasi lagi ko siyang kasama 24/7. Pero kapag nakikita ko si Pele, parang tumatalon ‘yong kalooban ko. Masarap sa pakiramdam. Pero ang pinakamasarap na feeling, kapag sinasabi na… ang cute-cute ni Pele.

“Magti-three months na siya sa May 18. At kapag nakikita ko na marami ang natutuwa sa kanya, iyon ang mas kinikilig ako. Hindi ko ma-explain ‘yong feeling. Hindi ko ma-explain talaga!”

ADVERTISING

First time na maranasan ni Jolina na mag-celebrate ng Mother’s Day na mommy na rin siya.

“Hindi ako sanay na may bumabati sa akin ng Happy Mother’s Day! Hindi kami sumabay ni Mark ng pag-celebrate sa mismong araw nito. Kinabukasan na lang. Nag-dinner kami.”

Very proud Mom nga si Jolina. Halos maya’t maya siyang nagpu-post sa kanyang Instagram ng pictures at updates tungkol kay Pele.

“Kailangang updated ang Pele-serye!” natawang biro niya. “Kaya dapat laging may pictures. Kasi ang bilis niyang lumaki!  Na pagkatapos niyang matulog sa tanghali o sa hapon, paggising niya sinasabi ko… parang nagkalaman ka ba? Lumaki ka ba?

Tapos meron siyang unan lagi. At saka meron siyang stuffed toy na kinukunan ko siya lagi everyday na kasama ‘yon,” dagdag na naikuwento pa ni Jolina.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING