Jolina Magdangal at Mark Escueta, enjoy sa pagpapa-cute ng anak na si Pele sa harap ng camera

Jolina-Magdangal-Mark-EscuetaSA MGA photos ni bagets, bibong-bibo. Cute ni Pele, ang panganay na baby ni Jolina Magdangal at ang mister niya na si Mark Escueta. Swak na swak para maging isang commercial model. Tama na ang ma-inang Jolina at Pele ang maging endorser ng baby product.

Sa mga social media account ni Jolens, lagi niyang pinu-post ang picture nilang mag-ina. Lalo na si Pele na maaga pa lang ay showbiz na showbiz na. Marunong nang tumingin sa kamera. In short, hindi shy ang bata na siyang swak na swak naman talaga, lalo pa’t gusto ng sino mang mga parents na maging isang commercial model ang mga anak nila.

Hindi lang sina Jolens at Mark ang nag-e-enoy kapag nakikita na all smile si Pele sa pagpapa-cute sa harap ng kamera na hindi naman ipinagmamaramot ng mag-asawa sa kanilang social media followers, at isa na nga kami du’n na sinusundan ang IG account ni Jolens.

Kaya nang malaman ni Ms. Aileen Choi-Go of Megasoft Hygenic na oks para sa bagong ina na maging endorser sila ng anak niya, hindi na nagdalawang-isip si Ms. Aileen na kontakin si Jolens para maging endorser ng produkto nila.

Ang kompanya rin kasi ni Ms. Aileen ang kumuha kay Maja Salvador para maging endorser ng Sisters Sanitary Napkin dahil ang Star Magic handler ni Maj ang siyang handler din ni Jolens.

Nang i-recommend ng handler si Jolens kay Ms. Aileen ay hindi na nagdalawang-isip ang mabait na Chinese businesswoman. Last July 21, pumirma ng endorsement contract si Jolens kasama ang mister na si Mark para maging product endorser.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleDaniel Padilla, bata pa lang maalaga na sa buhok
Next articleBarbie Forteza, binuko sina Derrick Monasterio at Miguel Tanfilix

No posts to display