Jojo Mendrez humingi ng basbas kay Julie Vega

Leo Bukas

IKINAGULAT ng marami ang pagpunta ng Revival King na si Jojo Mendrez sa puntod ni Julie Vega sa Loyola Memorial Park sa Marikina nitong January 3, 2021. Kahit malakas ang ulan ay hindi ito naging hadlang kay Jojo para dalawin ang libingan ng namayapang singer-actress.

Jojo Mendrez humingi ng basbas kay Julie Vega
Jojo Mendrez

Indikasyon na ba ito na si Jojo na ang napili para mag-revive ng kantang Somewhere in My Past na pinasikat noon ni Julie Vega? Hiningi na ba niya ang basbas ni Julie Vega sa gagawin niyang version ng naturang kanta?

O baka naman gusto lang dalawin ni Jojo ang puntod ni Julie dahil tulad ng nakakarami ay iniidolo rin niya ang sikat na teenstar noong dekada 80?

Bukod sa mga katanungang ito ay puwede  talagang isipin na si Jojo na nga ang napili na kumanta ng pamosong awitin noong 80’s. Baka ang pagpunta niya ay pasasalamat na rin sa aktres o kaya ay pagpapaalam sa muling pagbibigay buhay sa napakaganda niyang awitin.

Jojo Mendrez humingi ng basbas kay Julie Vega
John Mendrez and Julie Vega

Anu’ t-ano pa man ay tanging si Jojo lang ang nakakaalam sa bagay na ito at wala pang kinukumpirma ang may gawa ng kanta na si Mon del Rosario kung sino talaga ang magbibigay ng buhay sa Somewhere In My Past. Bagama’t nag-audtion si Jojo sa pamosong composer ay wala pa ring idinedetalye ang Revival King kung siya na nga ba ang masuwerteng napili?

Limang pangalan ang nasa shortlist ng premyadong composer sa pinagpipiliang singers na magre-revive ng kanta. Good choice kung kay Jojo ito ibigay para mas lalo niyang mapanindigan ang title bilang OPM Revival King.