John Rendez, huli na para paniwalaan

ADVERTISING

John Rendez, huli na para paniwalaan

John Rendez, huli na para paniwalaanOMG! WALANG himala! Ang himala ay nasa puso ng mga bakla! Kasi nga naman nu’ng isang araw, nabasa ko mismo rito sa Pinoy Parazzi, at muntik na akong mabuwang sa Earth. Kasi nga naman, nagsalita na raw ang sinasabing lalaki ni Nora Aunor na halos 22 years na nagsasama, at nilinaw raw nito na hindi talaga sila mag-dyowa at may mga lumabas pa sa ilang tabloid na halos gano’n din ang tema.

Kasi nagpatawag yata ito ng presscon sa mga piling reporter at writer na mga kabig nila, na talagang hindi nga sila mag-dyowa at friends lang daw ang turingan nila. Kasi sobra raw talaga ang respeto nito kay Nora at master daw niya ito.

Halos tumaas ang kilay ko sa 50th floor na wala nang doktor ang p’wedeng magbaba. Natatandaan ko, bago umalis ng Pilipinas itong si Nora, kasama si Jonh Rendez, may iniwan itong album na Metal Dog at nagpadala pa sa akin ng kopya at may datung para patugtugin ko sa program ko. ‘Yun ang huling pakiusap ni Nora sa akin. Pero may problema na kami noon pa man na hindi kami in good terms. Ang akala ko, ok na.

Kaya nu’ng umalis sila rito, lahat ng banat nitong si Cristy Fermin sa kanila ni John Rendez, ako ang tagapagtanggol. Kaya nu’ng bumalik dito si Nora, nagpa-interview pa ito sa The Buzz na kakastiguhin daw niya ang taong naninira sa kanila ni John.

ADVERTISING

Kayo po ang umintindi nitong sinabi ni John: “I respect Ate Guy a lot, walang romantic or attraction na nangyari. She is a dragon and I’m a dog. So du’n pa lang, ang layo na. Idol ko si Ate Guy, she is my master. Kasi sa lahat-lahat na, mahusay siya! I really look up to her, kasi she’s a great singer, great acctess, fan niya ako. Kaya ko hiniwalayan ang asawa’t anak ko, kasi binabastos niya si Ate Guy.”

Bali-baliktarin mo man ang mundo ng showbiz, kahit bulag parang palaisipan pa rin ang mga paliwanag ni John. Look, 22 years magkasama sa iisang kuwarto, walang attraction? Hindi naman tomboy si Nora at hindi bakla si John para maniwala ang tao sa kanila.

Ako bilang isa na sa matatawag na institution sa larangang ito, parang aandap-andap ako na maniwala. Sabi ko nga, please tell it to the marines. Ano kaya ang gustong palabasin ni John, kaawaan siya para sa kanyang album. Para sa akin, mas maaawa ang tao sa kanila kung sila ay magpapakatotoo.

Ang nakakaloka kasi, wala naman daw lumalapit sa kanya para magtanong kung ano talaga ang relasyon nila ni Nora. Bakit at bakit pa itatanong ‘yan? Maliwanag pa sa sikat ng araw na ang lalaki at ang babae, ‘pag nagsama sa iisang bubong, hindi na dapat itanong pa. Ngayon, nagpapaliwanag siya, huli na para paniwalaan siya!

Aywan ko, basta ‘yan ang aking opinion. Kanya-kanya tayong opinion, respetuhan na lang. Kasi, magunaw man ang mundo, ‘yan ang paniniwala ko. Period.

 

MALAPIT NA ang kaarawan ng Star For All Seasons Gov. Vilma Santos-Recto. Nakiusap sa akin ang mga Vilmanian na ilagay ko raw ang kanilang pagbati, bago mag-November 3. Request ito ng mababait na Vilmanians sa pangunguna ni Willie Fernandez, ang controvercial na fan ni Ate Vi.

Kaya abangan ang inyong mga pagbati at nangangalap pa si Willie ng Vilmanians na babati sa kanyang kaarawan, or kung tunay kayong Vilmanians, mag-PM na lang kayo sa fb ko at isasama natin ‘yan sa inyong mga pagbati sa nag-iisang Star For All Seasons, ang malapit nang ma-ging National Artist na si Gov. Vilma.

Advance happy birthday po! Mabuhay!

Lagi po n’yong tutukan ang aking mga programa sa radio, sa aking mga pasabog na chikka to the maximum authority of chikka sa DZRH.TV, sa DWSS at sa Pinoy Radio U.K. sa London po ito via Skype.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING