John Prats, walang katulad ang proposal kay Isabel Oli

ADVERTISING

John Prats, walang katulad ang proposal kay Isabel Oli

Isabel-Oli-John-PratsJOHN PRATS and Isabel Oli are engaged!

ADVERTISING

The happy couple looked back to the very first time they saw each other. Pratty said on The Buzz that he first saw Isabel on the primetime series It Might Be You. “Ang ganda naman ng babaeng ito! Pero may nakabakod sa kanya that time.” Kuwento naman ni Isabel, “Nakikita ko siya dati, high school pa lang ako sa Cebu and nag-mall show sila ni Heart (Evangelista). Noong nakita ko talaga siya in person, sabi ko, ‘Ang gwapo pala nito! Sobra!’ Hinabol ko talaga kasi papa-picture ako.” Who would have thought na balang araw ay muling magku-krus ang kanilang mga landas?

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko that Pratty came from a very public relationship. That’s why when he became single ay ipinagdasal talaga niya ang susunod niyang magiging girlfriend. Pratty’s sister, Camille, played a big role sa pagkakilala ng dalawa dahil siya ang humingi ng number ni Isabel. After getting her number, Pratty didn’t stop pursuing her until makuha niya ang matamis na ‘oo’ ng dalaga.

He said, “Basta alam ko noong lumuhod ako sa kanya sabi ko sa kanya, ‘Dalawang beses lang ako luluhod sa buhay ko: ngayong hihingin ko ang kamay mo bilang girlfriend and iyong pangalawa ‘pag nag-propose ako.’” Alam ni Pratty na late this year siya magpo-propose kay Isabel.

ADVERTISING

The proposal happened last September 24 na mismong birthday ng mommy ni Pratty. Dalawang buwan niyang pinlano ang proposal na flashmob style and he asked their respective families and close friends for their help and to be present.

Alam ba ni Isabel na ito ay isang proposal? “‘Di pa talaga. Ayoko talagang mag-assume. Sabi ko baka anniversary pala kasi namin today parang mali. Kasi sabi niya sa akin ilang months ago, ‘Alam mo wifey, kung magpo-propose talaga ako sa iyo, tayo lang talaga makakaalam.’”

Pratty was very happy during the proposal. “Walang katulad. Tapos noong pagluhod ko sabi ko, ‘Wifey, p’wede bang ikaw na ang maging Mrs. Prats ng buhay ko?’” Hindi agad nakapagsalita si Isabel because she was shaking.

Their altar date will happen sometime in April or May 2015.

Nakatutuwa naman ang message ng dalawa sa isa’t isa. Sabi ni Isabel, “I really love you and kahit ano man iyan, dito lang talaga ako para sa iyo. You know that.” On his part, Pratty said, “I just wanna tell you na that night was the best so far cause iyong dance na iyon was the best dance of my life.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING