John Prats, nagpakitang-gilas sa show ni Ellen DeGeneres

ADVERTISING

John Prats, nagpakitang-gilas sa show ni Ellen DeGeneres

John-PratsSA MGA celebrities na nagging audience sa show ni Ellen DeGeneres ay mukhang si John Prats ang sinuwerte.

Nakuha kasi ang binata na magsayaw sa dance floor kasama ang iba pang nasa audience.

Kapwa ipinost nina John at Isabel Oli ang 15-second video clip sa kani-kanilang Instagram accounts. Talagang hataw kung sumayaw si John at talagang nagpakitang-gilas.

In the past, ang mga celebrities na nakapanood na sa show ni Ellen ay sina Sam Milby, Michael V, KC Concepcion, Kathryn Bernardo, and Daniel Padilla.

ADVERTISING

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING