John Prats, kayod-marino para sa binubuong pamilya

ADVERTISING

John Prats, kayod-marino para sa binubuong pamilya

John-PratsMASAYA AT full of energy na John Prats ang humarap sa mga press people last Sunday, September 20, 2015 sa SM Mega Fashion Hall para sa “Bench Fix Styling Tools” fashioned by the leading stylists of Bench Fix Salon, kung saan isa ito sa mga original endorsers ng Bench Fix at malaki ang pasasalamat niya sa Bench dahil ipinagkakatiwala pa rin ito sa kanya.
Kasama ni John si Diego Loyzaga na nagpasaya sa fans. Rumampa rin ang mga estudyante gamit ang iba’t ibang styling gel at clay ng Bench Quick Fix.
Pinuno nga ng tilian ang event venue dahil sa napakagandang dance number ni John na talaga namang napamangha ang lahat.

Ikinuwento nga ni John ang pagbubuntis ng kanyang asawang si Isabel Oli na nine weeks nang buntis. Ilan nga raw sa pinaglilihian ni Isabel ang donut, arroz caldo, at Sky Flakes.
Excited na nga ito sa pagdating ng kanilang baby, kaya naman daw mas inspired ito sa pagtatrabaho para na rin daw sa future ng kanyang pamilya.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING