John Prats at Isabel Oli, ini-enjoy ang engagement

ADVERTISING

John Prats at Isabel Oli, ini-enjoy ang engagement

John-Prats-Isabel-OliPINAG-UUSAPAN NAMAN ngayon ang proposal nina John Prats at Isabel Oli.

Pagkatapos ng kina Dingdong Dantes at Marian Rivera, tapos sina Sen. Chiz Escudero, itong kina John at Isabel naman ngayon.

Mala-flash mob naman itong drama ng proposal nina John at Isabel dahil ang gusto talaga ni John ‘yung sumasayaw siya. Sinasabi rin kasi ni Isabel na gustung-gusto niyang makita si John na sumasayaw. Guwapong-guwapo raw siya.

Isa sa tumulong na mabuo ang flash mob na proposal nila ay si Camille Prats na sobrang na-stress sa pag-prepare para hindi mahalata ni Isabel.

ADVERTISING

Mabuti at naging successful naman sila at sabi nga ni Camille, natutuwa siya dahil nakikita raw niyang masayang-masaya ang kapatid niya at si Isabel siyempre.

Botong-boto naman ang buong pamilya ng Prats kay Isabel, kaya excited silang lahat sa relasyon ng dalawa.

Sabi ni John, si Isabel na raw ang mag-decide kung kailan nila gustong magpakasal.

Hindi pa naman daw nila napag-uusapan ‘yan dahil ini-enjoy pa raw nila ang engagement.

Sabi lang ni Isabel, definitely next year daw baka April o May raw. Pag-uusapan pa raw nila ‘yun.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING