John Prats at Isabel Oli, dalawang beses nagpakasal sa isang araw

ADVERTISING

John Prats at Isabel Oli, dalawang beses nagpakasal sa isang araw

John-Prats-Isabel-OliCONGRATULATIONS SA bagong kasal na sina John Prats at Isabel Oli na dalawang beses silang nagpakasal sa loob ng isang araw, huh!

Nu’ng kamakalawa ng umaga sila ikinasal sa Our Lady of Peace and Good Voyage Parish Church sa Balete, Batangas. Iyon ang kasal nila sa Roman Catholic Church, kasi sarado Katoliko ang pamilya ni John.

Kinahapunan ay isang Christian wedding naman na ginanap sa Nayomi Sanctuary Resort dahil Christian naman si Isabel.

In fairness, ang daming mga close friends nila sa showbiz ang dumalo, na talagang pumunta ng Batangas.

ADVERTISING

Doon sila ikinasal dahil may farm daw roon ang pamilya ni John, kaya roon na rin ginanap ang kanilang reception. Bongga, ‘di ba?

Medyo emotional nga raw si John sa wedding march, lalo nang pumapasok na si Isabel.

Nakikita namang mahal na mahal nila ang isa’t isa kaya hangad natin siyempre na maging masaya ang kanilang pagsasama.

Congratulations sa bagong kasal!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING