John Nite, kuhang-kuha si Kuya Germs sa Bituing Walang Ningning musical!

John Nite, kuhang-kuha si Kuya Germs sa Bituing Walang Ningning musical!

John-Nite-German-MorenoMATAGUMPAY ANG naganap na technical dress rehearsal ng Bituing Walang Ningning last June 16 sa Resorts World Manila New Port Performing Arts Theater, kung saan dinumog ng maraming tao ang maituturing na kauna-unahang palabas ng nasabing musical play na hango sa matagumpay na classic film ni Megastar Sharon Cuneta, ang Bituing Walang Ningning.
Isa sa hinangaan nang husto ng mga taong nakapanood at talaga namang umani ng malakas na hiyawan at palakpakan ang host/singer na si John Nite na pumapel bilang Kuya Germs Moreno.
Kuhang-kuha ni John ang istilo ng pananamit, maging ang pagho-host ni Kuya Germs, maging ang kanyang facial expression ay Master Showman na Master Showman. Kaya naman sa tuwing lalabas siya sa entablado, malakas na palakpakan na may kasamang hiyawan ang maririnig mo.
Bukod kay John Nite, stand-out din at pinalakpakan ang magandang performance nina Menchu Launchengco-Yulo  bilang Edith, Mark Bautista bilang Nico, Jay Roa bilang Zosimo, Jon Santos bilang Auntie, Ronnie Liang bilang Gary, at Monica Cuenco bilang Dorina. Ito ay mula sa mahusay na direksiyon ni Direk Fredie Santos. Mapanonood ang Bituing Walang Ningning mula June 17 hangang July 18, 2015.

John’s Point
by John Fontanilla