John Medina ng walang hanggan, bagong kinakikiligan sa twitter!

ADVERTISING

John Medina ng walang hanggan, bagong kinakikiligan sa twitter!

John Medina ng walang hanggan, bagong kinakikiligan sa twitter!BENTANG-BENTA SA social networking site na Twitter ngayon ang character actor na si John Medina a.k.a. James Ocampo ng Walang Hanggan. Ito ang gumaganap bilang kanang-kamay ni Daniel (Coco Martin) na walang paltos pagda-ting sa pagsusugal.

Dahil sa hindi inaasahang positive feedback ng viewers sa kanyang kagwapuhan, mukhang may plano ang Dos na bigyan ito ng mas mahabang exposure. Matagal nang artista ang binata at madalas din itong lumabas sa mga TV commercials, ngunit ngayon lamang siya napansin ng mga manonood.

Malay natin, baka pagkatapos ng teleseryeng ito ay siya naman ang bigyan ng lead role at masundan pa niya ang landas na tinahak nina Coco Martin at JM de Guzman. Keep it up!

 

ADVERTISING

PRINCESS RYAN, ISA NANG GANAP NA INA!

 

SI PRINCESS Ryan ang isa sa visible talents ng TV5 noon. Umeskapo ito sa eksena noon para ayusin ang kanyang citizenship sa Tate.

Sa programang Paparazzi, inamin ng sexy actress na isa na siyang ganap na ina. Bumalik ito sa bansa noong nakaraang Linggo bitbit ang kanyang baby girl named Akira at nang tanungin kung sino ang ama ng kanyang supling, tumanggi itong magbigay ng pangalan.

Aniya, ayaw ng lalaki na ma-ging parte ng buhay nila. Sa nga-yon ay may bago nang boyfriend si Princess Ryan at buong puso nitong tinanggap ang kanyang anak.

In fairness, sexy pa rin si Princess, huh! Welcome back to showbiz!

 

DANIEL MATSUNAGA, LUMAYAS NG BANSA DAHIL SA DEATH THREATS?

 

BIGLAANG UMALIS ng bansa ang Brapanese Kapuso actor/model na si Daniel Matsunaga. Ito raw ang dahilan kung bakit tila balisa at malungkot ngayon ang kanyang girlfriend na si Heart Evangelista.

Wala naman itong inilabas na klarong dahilan kung bakit siya biglang umuwi ng Brazil, ngunit may usap-usapan na diumano’y nakakatanggap daw ito ng mga death threats. Hindi naman malinaw kung sino ang utak sa likod ng mga pambabantang ito.

Habang sinusulat namin ito ay wala namang nagsasalita sa kampo ng aktor. Dahil dito, hindi maiwasan ng mga intrigero na mag-isip ng kung anu-ano. Nakakalurkey!

 
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING