John Lloyd, nawalan na ng ganang maghanap ng kapalit ni Angelica

ADVERTISING

John Lloyd, nawalan na ng ganang maghanap ng kapalit ni Angelica

Ngarag ngayon ang showbiz celebrities natin sa paparating na Valentine’s Day na papatak sa araw ng Martes next week.

John Lloyd, nawalan na ng ganang maghanap ng kapalit ni Angelica
John Lloyd Cruz

Karamihan, the usual Valentine’s date ang ganap nila. Candle light dinner with matching roses ang emote ng mga artista natin.

Pero ang most eligible bachelor ng showbiz na si John Lloyd Cruz, tila bokya sa darating na Araw ng mga Puso.

Zero ang lovelife ni Lloydie mula nang maghiwalay sila ng long-time girlfriend na si Angelica Panganiban at tila nawalan na yata ng gana ang aktor na maghanap ng pamalit sa puwang na nabakante ni Angelica.

ADVERTISING

Kaya sa Martes, February 14, si Lloydie walang ka-date. Wala naman kasi siyang nililigawan ngayon.

Basta pang-emote ni JLC sa tanong na “What is Love?” sagot lang niya: “Talagang mahirap siyang sagutin dahil hindi pa siya dumarating ngayon.”

Kawawa naman ang boylet at boyfie ng mga girls na naghahanap.Marami ang nanghihinayang kay Papa Loydie nila na magiging lonely sa darating na Valentine’s Day.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING