John Lloyd, nagpapaka-Baron?

ADVERTISING

John Lloyd, nagpapaka-Baron?

IBINUKING NA NI Ruffa Gutierrez sa kanyang programang Paparazzi ang pagiging lasenggo ni John Lloyd Cruz na kadalasan daw eh, ‘pag nalalasing ay nakakatulog sa club at binubuhat na lang ng mga bouncers. Meaning, nagpapaka-Baron Geisler na rin ba ang magaling na aktor? Kung nagbabago na nga si Baron, itong si Lloydie naman diumano ang nagpapakalango sa espiritu ng alak. Ang maipapayo lang namin, huwag sanang tuluyang pabayaan ni Lloydie ang kanyang sarili at ang kanyang career dahil puhunan niya ito at matagal na inalagaan ang estado bilang respetadong artista. Kaya hinay-hinay lang, kuya!

Photos by Luz Candaba, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING
ADVERTISING