John Lloyd, ‘di masyadong iniisip ang love life

ADVERTISING

John Lloyd, ‘di masyadong iniisip ang love life

Last 2016 nang mapabalitang naghiwalay na ang Kapamilya stars na sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban. 

John Lloyd, ‘di masyadong iniisip ang love life
Jonh Lloyd Cruz

Matagal-tagal na parehas single sina Lloydie at Angelica, pero dahil wala pa rin sila parehong naipakikilalang bagong karelasyon at tila maayos pa rin ang samahan nila, hindi maiiwasan ng ilang mag-isip na maaaring nagkabalikan ang dating magkasintahan.

Sa press conference ng ikatlong anibersaryo ng “Home Sweetie Home” ng ABS-CBN, tinananong si Lloydie ng ilang entertainment press kung kamusta na siya as a singla man. 

“Tahimik po, pero humihinga pa siya, tumitibok-tibok pa,” pabirong sagot niya. 

ADVERTISING

Na-miss niya rin ba ‘yung ganitong walang masyadong isyu pagdating sa kanyang love life?

“Hindi naman, okey lang tayo. Ang importante, well, hindi ko naman siya masyadong iniisip. Hindi ko naman siya masyadong binibigyan ng moments,” sey niya. 

Very vocal si Lloydie pagdating sa kanyang love life, sa ngayon bilang single siya, hindi ba niya na-miss ang pagkakaroon ng girlfriend?

“Anong nami-miss?” Sabay tawa niya. “Tina-try ko kasing i-compare. Siyempre, magkaiba naman ‘yun… Ngayon, I have other priorities. Siguro sa ngayon medyo focus muna tayo sa work. But I’m not closing my… anytime, siyempre lalaki, ‘pag dumating na ‘yung girl for me, it’s about time na mai-in love uli ako at malalaman n’yo ‘yun, hahaha!” Dagdag pa niya. 

Sa nalalapit na, kahit wala raw siyang girlfriend, maaari pa rin naman daw niyang ipagdiwang ito sa mga malalapit niyang mga kaibigan and his family, especially sa kanyang mom. 

Sa True Lang
by Throy Catan

ADVERTISING