John Lloyd Cruz,bias daw bilang jury sa MMFF

ADVERTISING

John Lloyd Cruz,bias daw bilang jury sa MMFF

John Lloyd Cruz and Joshua Garcia
John Lloyd Cruz and Joshua Garcia

May nang-iintriga kay John Lloyd Cruz na isa sa mga jury sa darating na 2016 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25.

Sabi ng mga nang-iintriga, dapat hindi na raw sinabi ni Lloydie sa isang TV interview kamakailan na ang una niyang panonoorin sa walong official entry ay ang pelikula ng Star Cinema na “Vince&Kath&James” na pinagbibidahan nina Julia Barretto, Joshua Garcia, at Ronnie Alonte sa direksyon ni Ted Boborol.

Pakiwari ng iba na nagmamaasim, namumulitika na si JLC sa statement niyang ito. Feeling ng iba, naging bias na kaagad ang aktor sa iba pang entries, lalo pa’t identified ang aktor sa ABS-CBN at Star Cinema.

Pero it’s a choice kung alin sa mga pelikula ang uunahing panoorin ni Lloydie, lalo pa’t ang “The Next John Lloyd Cruz” na si Joshua ay kabilang sa naturang pelikula na sinusuportahan naman ni JLC. Pero paanyaya ni Lloydie na panoorin ng publiko ang walong entires.

ADVERTISING

Pero ako, may personal choices din lang. Ang pelikulang “VKJ” ay isa sa mga pelikulang panoorin ko, kahit magbayad ako ng P250. 

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING